^

Dr. Love

Pangamba

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Warm greetings to you and your readers. Sumulat ako sa pagbabakasakaling matu­tulungan mo ako sa aking problema.

Tawagin mo na lang akong Eldon, isang OFW dito sa Dubai. Dalawang taon na akong hindi umuuwi sa Pinas at iniwan ko riyan ang aking asawa. Halos dalawang buwan lang kaming nakakasal nang umalis ako ng bansa.

Lagi kaming nag-uusap sa Facebook at Skype. Nangangamba lang ako dahil baka ang aming pagwawalay ay maging dahilan para pagtaksilan niya ako.

Kung anu-anong imahinasyon ang nagla­laro sa aking isip kaya hindi ako makatulog palagi at medyo apektado ang trabaho ko.

Tulungan mo ako Dr. Love. Paano ko mapapawi ang mga pangit na naiisip ko?

Eldon

Dear Eldon,

Ang pagmamahalan ng mag-asawa o magkasintahan ay dapat may kalakip na tiwala. Kung mabuting asawa ang napili mong pakasalan, natitiyak kong pahaha­lagahan niya ang iyong pagsusumikap na bumuti ang inyong kalagayan sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Nagkakaugnay naman kayo palagi kaya sana’y magpaalalahanan kayo sa isa’t isa na ang ginagawa ninyong pagtitiis ay para magkaroon kayo ng magandang future.

Pero kung ako ikaw, sisikapin kong ma­kapag-ipon sa pagtatrabaho riyan nang sa gayon ay hindi ko na kailangang lumayo pang muli kapag natapos ang kontrata.

Hindi mabuti ang matagal na paglalayo ng mag-asawa dahil naririyan palagi at nakaamba ang tukso.

Dr. Love

AKO

DALAWANG

DEAR ELDON

DR. LOVE

DUBAI

ELDON

FACEBOOK

LAGI

NAGKAKAUGNAY

NANGANGAMBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with