^

Dr. Love

Tumibok uli ang puso ng biyudo

- The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Sariwang pagbati po sa inyo at sa lahat ng tagatangkilik nang malaganap ninyong column­.

Ako po si Eduard D. Agnes, 51 taong gulang at isang biyudo. Apat na taon nang sumakabilang buhay ang aking asawa, ginugugol ko ang oras ko sa pagtataguyod sa naiwan naming apat na anak. Nakatapos at may trabaho na ang dalawa kaya sila na ang sumusuporta sa nag-aaral pang mga ka­patid.

Malungkot po pala ang maiwanan ng asawa, Dr. Love. Nabuhayan lang ako nang mabasa ko ang liham sa inyo ni Monina noong Pebro 18, 2012. Pareho kami ng sitwasyon kaya may pakiramdam ako na magkakapalagayan kami ng loob.

Ngayon ko naisip na tama ang aking mga kaibigan, kailangan ko ang isang babaeng mamahalin at magmamahal din sa akin.

Sana po, mabasa ito ni Monina magkaroon kami ng pagkakataon na makilala pa ang bawat isa. Ito po ang aking contact num­ber 09085505065 sakaling intresado siya.

Maraming salamat po at mabuhay kayo sa ginagawa ninyong pagtulong sa mga tulad kong malungkot ang buhay.

Gumagalang,

Eduard Agnes

Dear Eduard,

Hindi lang malungkot, kundi mahirap din ang mamuhay nang mag-isa. At dahil sa iyong kalagayan, wala akong nakikitang ma­­gi­ging problema. Gayunman, para mas makatiyak ka, subukan mo na hingin ang opinyon ng iyong mga anak tungkol sa posibilidad na ma-in love ka uli.

Dahil naniniwala akong mas magiging maligaya ang pagmamahalan kung walang sino man ang nasasaktan.

Well, good luck for you at sana nga ay mabasa ni Monina ang sulat mo. God bless you!

Dr. Love

AGNES

APAT

DAHIL

DEAR EDUARD

DR. LOVE

EDUARD AGNES

EDUARD D

GAYUNMAN

GUMAGALANG

MONINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with