Dalaga na si Nina

Dear Dr. Love,

Matagal akong nawala sa ating bansa. Mahigit 20 taon akong nanirahan sa ibayong dagat at nagkaasawa na ako roon. Pero hindi kami pinalad na magkaanak ng aking napa­ngasawang Kana.

Nauwi ito sa pagsisisihan hanggang idiborsiyo niya ako. Sa pagbabalik ko, nagkainteres akong manligaw uli sa mas bata sa akin. Ang dating paslit na pinaniwalaan kong lalaki nang magandang-maganda, si Nina. Anak siya ng kumare ni Mama.

Ang sabi ng aking ina ay walang seryosong boyfriend si Nina, kaya kung magseseryoso ako sa panliligaw ay maaaring magkaroon ng kasalan ngayong taon. Nais na ni Mama na makapag-asawa na ako para mabigyan ko na siya ng apo.

Pero nagmimistulan akong bagito sa pag-ibig, Dr. Love kapag nakikita ko si Nina. Hindi kaya makahadlang sa aking pakay ang agwat ng aming­ edad?

Ano po ang dapat kong gawin. Isinasaalang-alang ko kung babalik pa ako sa abroad o hindi na sakaling mapangasawa ko si Nina. Payuhan mo po ako Dr. Love.

Maraming salamat po.

Gumagalang,

Danny

Dear Danny,

Gaya ng palasak na kasabihan, age doesn’t matter pagdating sa love. Subukan mo munang maging bahagi ng araw ni Nina.

Makipagkaibigan ka sa kanya at kapag close na kayo ay yayain mo siyang lumabas. Unti-unti ay ituturo sa iyo ng iyong kalooban kung ano ang next step para mapalapit ka sa babaeng gusto mo.

Mas makikila mo siya ng husto, kaya mas ma­lalaman mo kung ano ang dapat mong gawin para mapasaya siya o maging memorable sa kanya ang bawat sandaling magkasama kayo.

Sa tamang panahon saka mo ipagtapat sa kanya­ ang intensiyon mo. Dapat mong alalahanin na magtiwala sa sarili, para pagkatiwalaan ka rin ng taong gusto mong mahalin ka.

Dr. Love

Show comments