^

Dr. Love

Handang akuhin ang anak

-

Dear Dr. Love,

Nagkahiwalay kami ng dati kong girlfriend nang walang pormal na pag-uusap. Umalis siya sa aming lugar para kunin ang oportunidad sa isang resort. Ako naman ay nagdesisyong mag-abroad para makalimot.

Hindi pagkakaunawaan ang unang namagitan sa amin ni Ester nang yayain ko siyang pakasal, sinabi niyang makasarili raw ako dahil hindi ko naiintindihan ang kalagayan niya sa buhay. Siya kasi ang tumatayong bread winner ng kanilang pamilya.

Matapos ang ilang taon, nagbalik ako sa aming­ lugar kung saan ko nabalitaan na sapili­tang nagpakasal si Ester sa kanyang among banyaga nang mabuntis. Pero pagkaluwal ng sanggol, nakipaghiwalay na rin siya. Dahil hindi naman siya mahal ng kanyang babaerong amo.

Dito nabuhay ang pag-asa ko na maibalik ang pagtitinginan namin. Kahit may anak na si Ester. Pero ang sabi ng aking ina, maghintay daw ako ng tamang pagkakataon dahil sarili pa ang sakit sa kalooban ng dating nobya.

Ang tanging dapat ko raw muna iparamdam kay Ester ay nakahanda akong umalalay sa kanya bilang kaibigan. Tama po ba ang hakbang na ito?

Hintay ko po ang mahalaga ninyong payo.

Ma­raming salamat.

Dennis

Dear Dennis,

Sumasang-ayon ako sa pangaral ng iyong ina. Kung talagang mahal mo ang dating nobya mo, makapaghihintay ka ng tamang panahon. Mahalaga rin na matiyak mo sa iyong sarili na tunay ngang pagmamahal ang nararamdaman mo at hindi awa dahil sa mapait na sinapit niya.

Dr. Love

DAHIL

DEAR DENNIS

DITO

DR. LOVE

HINTAY

KAHIT

MAHALAGA

NAGKAHIWALAY

PERO

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with