Itinakwil

Dear Dr. Love,

Nagpupugay ako sa iyo at sa mga tagasubaybay ng iyong popular love advice column.

Tawagin mo na lang akong Jessilu, 19-anyos­ getting 20. Sa gulang kong ito ay hindi na ako nakapagtapos ng pag-aaral. Kasi nagtanan ako.

Nagli-live-in kami ngayon ng aking boyfriend. Sa nangyaring ito’y itinakwil ako ng aking mga magulang. One year na kaming nagsasama ng boyfriend ko.

May mga pagkakataong nagsisisihan kami ng aking kalive-in sa buhay namin ngayon. Minsan, nauuwi sa sakitan.

Gusto ko nang bumalik sa magulang ko. Tulungan mo ako. Nagsisisi ako sa aking ginawa.

Jessilu

Dear Jessilu,

Iyan ay tatawagin kong kapusukan ng ka­bataan. Mag-usap kayo ng boyfriend mo. Kung madalas kayong mag-away, mabuti nga siguro’y umuwi na kayo sa kani-kanyang mga magulang bago maging malubha ang lahat.

I’m sure patatawarin ka ng mga magulang mo. Sa una ay natural ang magalit pero sabi nga, walang magulang na matitiis ang sariling dugo at laman.

Dr. Love

Show comments