Dear Dr. Love,
Bigyan n’yo naman po ako ng advice. Ano po ang dapat ‘kong gawin kasi po sa ngayon may boyfriend ako almost 3 years na po kami at magkasama po kami na naninirahan sa gulf country.
Mahal ko po siya pero hindi katulad ng pagmamahal ko sa dati ‘kong boyfriend. Hindi ko po alam ang gagawin ko. Kasi po nakokonsensiya po ako kasi labis-labis ang pagmamahal niya sa akin, pati na rin po ang kanyang pamilya. Tapos dumating na rin po ‘yung time na kailangan na po namin mag-settle down this coming 2013. Pero hindi pa po ako handang magpakasal sa kanya kasi po may mga bagay pa po akong gustong gawin at hanggang ngayon mahal na mahal ko pa po ‘yung ex-boyfriend ko.
Handa po akong iwan siya kapag bumalik po ang ex ko. Pero tama po ba ang gagawin ko kung sakaling ganon ang mangyari? Kahit sa lahat ng sakripisyo niya ganun pa po ang isusukli ko sa kanya? Tama po ba ang talikuran siya at iwan nang ganon-ganon lang? Tulungan n’yo po ako na magdesisyon ng tama?
Nagmamahal
Ethel
Dear Ethel,
Kung mahal mo ang dating boyfriend at umaasang magkakabalikan kayo, makipagkalas ka na sa boyfriend mo ngayon. Iyan ang tamang gawin mo para maging fair ka. Inilalagay ko ang katayuan ko sa boyfriend mo ngayon. Aba, masakit ang maging panakip butas.
Dr. Love