^

Dr. Love

Hindi magkasundo ang ina at asawa

-

Dear Dr. Love,

Binabati ko po kayo dahil sa inyong mata­gum­pay na column at sa pagbibigay ng magandang payo sa inyong mga tagasubaybay.

Tawagin n’yo na lang ako sa pangalang Jhon Doe, halos isang taon na rin ang nakakaraan nang magpadala ako sa inyo ng liham at humingi sa inyo ng payo. Nagpapasalamat po ako sa inyo.

Ang idudulog ko po ngayon na suliranin sa inyo ay tungkol sa dalawang babaeng mahalaga sa aking buhay. Sila po ay ang aking ina at ang aking asawa. 

Ang aking ina ay masyadong sinasaklawan ang buhay naming mag-asawa at ang aking asawa naman ay hindi marunong makitungo sa aking ina.

Sa ngayon po hindi po maganda ang ugnayan nila sa isa’t isa. Kapag kausap ko po ang aking ina lahat na lang ay puro pagpuna sa aking asawa at masasabi ko rin na nakikialam din siya sa buhay naming mag-asawa, maging ang desisyon ko ay sinasaklawan niya.

Ngunit sa ibang pagkakataon tama rin naman s’ya sa napupuna niya sa aking asawa.

Sa panig naman ng aking asawa, alam ‘kong nahihirapan siya sa asal ng aking ina. Kapag nag-uusap kaming mag-asawa, ganun din ang sitwasyon, halos mga puna niya sa aking ina at mga kamag-anak ang naririnig ko. Pero kahit papaano ay may dahilan din siya kung bakit nasasabi niya ang mga ito tungkol sa pamilya ko at lalo na ang tungkol sa aking ina.

Minsan ngang nagalit ang asawa ko nang sabihin ko sa kanya na kung pwedeng tawagan at kumustahin man lang ang nanay ko, sa ganung paraan ay magsisimula ang magandang relasyon niya sa nanay ko. Pero naging negatibo ang dating nito sa kanya at nagalit siya sa akin.

Bawat panig ay may tama at may mali, wala po akong kinakampihan sa kanila. Hindi ko alam kung papaano magiging mabuting anak at asawa sa kanila kung ganito sila.

Dr. Love sana’y matulungan mo ko at bigyan ng payo tungkol sa bagay na ito.

Lubos na gumagalang,

Jhon Doe

 

Dear Jhon,

Totoong ang ina ay mahalagang persona sa ating buhay. Pero ang sabi ng Biblia, kapag tayo’y nag­pa­milya na at nag-asawa, hihiwalay na tayo sa ating mga magulang. Hindi na dapat sumaklaw sa personal­ nating problema ang mga magulang mata­ngi sa kanilang pagbibigay ng payo. Pero ‘yung sapi­litan kang didiktahan sa mga bagay na dapat gawin ay hindi dapat mangyari. Sabi mo’y hindi magka­sundo ang ina mo at asawa? Huwag mo nang haya­ang sumahol pa ang problema. Bumukod na kayo.

Dr. Love

AKING

ASAWA

DEAR JHON

DR. LOVE

INA

JHON DOE

KAPAG

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with