^

Dr. Love

In love sa anak ng amo

-

Dear Dr. Love,

Noon ko pa balak sumulat sa iyo pero na­unahan ako ng hiya. Tulad ng iba, may problema rin ako sa puso. Kung puwede sana, itago mo na lang ako sa pangalang Charm.

Isa lang akong kasambahay pero hindi ko ikinahihiya ito. Mababa lang ang pinag-aralan ko kaya kahit katulong ay pinasok ko para kumita ng marangal na kabuhayan.

Mayaman ang pamilyang napasukan ko at ang suweldo ko ay P5,000 kada buwan.

Didiretsahin na kita. In love ako sa anak ng amo ko. Itago mo na lang siya sa pangalang “ideal man”. Siya kasi ang tipo kong lalaki.

Mabait siya at maalalahanin sa akin. Katunayan, kapag dumarating siya ng gabi, niya­yaya niya akong sumabay sa pagkain.

Nahihiwagaan tuloy ako. In love kaya siya sa akin? Dapat ba akong umibig sa amo? Tulu­ngan mo ako.

Charm

 

Dear Charm,

Kung binata ang anak ng amo mo at dalaga ka, walang masama kung maging magkasintahan kayo.

Ang tanong lang, mahal ka kaya niya o nabi­bigyan mo lang ng maling interpretasyon ang ipinakikita niyang kabutihan sa iyo?

Ang masasabi ko, huwag kang magpa­pakita ng motibo na gusto mo siya dahil baka pagla­ruan niya ang puso mo. Hayaan mo siyang kusang manligaw.

Dr. Love

AKO

DAPAT

DEAR CHARM

DIDIRETSAHIN

DR. LOVE

HAYAAN

ISA

ITAGO

KATUNAYAN

LANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with