^

Dr. Love

Malungkot ang mag-isa

-

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Mando, isang senior­ citizen sa gulang na 65 anyos.

Mag-iisang taon nang namamayapa ang aking­ asawa. Namatay siya sa gulang na 62. Lahat ng mga anak namin ay nasa abroad na at nag-iisa na lang ako sa buhay ngayon at umaasa sa sustento ng aking mga anak. Lima silang lahat at may nagpapadala sa akin ng $200 at ang iba’y $500 para sa aking pang-gastos.

Nag-iisa ako sa bahay at kay lungkot ng buhay ko. May girlfriend ako na 48 years old at gusto ko siyang pakasalan. Ang kaso, tumu­tutol ang aking mga anak. Puputulan daw ako ng sustento kapag nag-asawa ako uli.

Ibigin ko man na magtrabaho ay matanda na ako para tanggapin ng alinmang kom­panya. May kaunti akong naiipon pero hanggang ka­ilan magtatagal ito?

Ano kaya ang dapat kong gawin para kum­binsihin ang aking mga anak?

Mando

Dear Mando,

Walang karapatang magdikta sa iyo ang iyong mga anak lalo pa’t ang gagawin mo’y hindi naman ilegal o labag sa utos ng Diyos.

Sabi mo may ipon ka sa bangko. Puwes, ga­­mitin mo iyan para makapagpatayo ng kahit maliit na grocery sa iyong tapat-bahay.

Bata pa rin ang mapapangasawa mo at si­guro­ puwede kayong magtulungan.

Kung nalulungkot kang mag-isa, may kara­patan kang humanap ng ikaliligaya.

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ANO

BATA

DEAR MANDO

DIYOS

DR. LOVE

IBIGIN

LAHAT

MANDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with