^

Dr. Love

Kapitbahay ang ex-gf ni mister

-

Dear Dr. Love,

Hindi ko po alam kung mayroon ba akong dapat na problemahin sa isyu ng pagiging kapitbahay namin sa dating nobya ng aking mister.

Sa ngayon po, nakatira kami ng aking asawa sa tahanan ng kanyang mga magulang sa Quezon City. Malaki po ang bahay nila at walang nakatira dito kundi ang may edad na niyang mga magulang.

Bunso kasi si Dondon at ang sabi ng kanyang mga magulang, nagsisimula palang kami. Kaya para makaipon kami, sa kanila na muna kami tumira para rin mayroon silang kasama sa bahay. Bukod dito, lokong-loko ang aking mga biyenan sa panganay na­ming anak na lalaki na ngayon ay isang taon pa lang.

Bago kami ikinasal ni Dondon, alam ko naman na mayroon silang kapitbahay na dati niyang na­ging nobya. Pero hindi natagalan ang kanilang relasyon dahil hindi raw talaga sila compatible sa isa’t isa. Napa­kaganda ng- ex girlfriend ni Dondon samantalang ako ay isa lang plain Jean o pangkaraniwan lang ang hitsura. Bagaman matangkad ako at may maipagmamalaking katalinuhan. Isa akong CPA at gayundin ang aking asawa.

Minsan, isang araw ng Sabado, karga ni Dondon ang aming anak na si Junior sa harap ng aming gate. Siya namang paglabas sa katapat na gate namin ng ex ng aking mister at nagbatian sila. Hinawakan pa niya ang baby namin at masaya silang nagtatawanan.

Hindi ko naman naririnig ang pinag-uusapan nila dahil nasa may bintana lang ako sa ikalawang palapag ng bahay ng aking mga biyenan.

Sa hindi ko malamang dahilan parang kinurot ang aking puso. Selos na selos ako sa babaeng iyon. Para bang sinasabi nila na sana, mayroon tayong ganitong baby kung tayo ang nagkatuluyan.

Dahil sa malaking selos, muli kong binanggit sa aking asawa ang pagbukod namin ng tirahan. At nagtaka siya dahil tapos na anya ang aming usapan dito dahil kailangan pa naming mag-impok para matupad ang pagbili ng aming dream house.

Ano po ang gagawin ko? Hindi ko po naman masabi sa aking asawa na nagseselos ako sa kanyang ex-girlfriend.

Alam ko namang mabuting asawa si Dondon at res­ponsable bilang asawa at ama. Maraming salamat po at more power to your column.

Shirley

 

Dear Shirley,

Hindi naman inilihim sa iyo ng asawa mo na nagkaroon siya ng dating nobya, na kapitbahay nila. Kahit pa sabihin mong ubod siya ng ganda at kung ihahambing ka sa kanyang ex-girlfriend, isa ka lang plain Jean. Alalahanin mo ang sinabi sa iyo ng asawa mo kung bakit ikaw ay inibig niya at pinakasalan.

Bukod sa matalino, malamang na hindi panlabas lang na kagandahan ang hanap niya kundi ang kagandahan ng kalooban. Ang reyalidad na ikaw nga­yon ang misis ni Dondon, ikaw ang pinakasalan niya dahil ikaw ang talagang mahal niya. At nakahihigit ka sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay niya.

Kung nagkabatian lang naman sila at hindi kaugnay sa katapatan ng asawa mo sa inyong relasyon ang isyu, ipanatag mo ang kalooban mo dahil wala kang dapat ipag-alala. Pwede ka rin naman mag-ayos sa sarili mo kung isang paraan ito para humupa ang pagngingitngit ng kalooban mo.

Dr. Love

vuukle comment

AKING

ASAWA

BUKOD

DAHIL

DEAR SHIRLEY

DONDON

DR. LOVE

LANG

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with