Stalker

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Leo, 23 anyos at binata pa. Ngayon lang nangyari sa akin ito. Umibig ako sa isang napakagandang estudyante.

Nang una ko siyang makita ay napadaan lang siya sa tindahang tinatambayan ko. Hindi siya taga sa amin, kundi may pinuntahan lang sigurong kakilala.

Sinundan ko siya at nang sumakay ng jeepney ay sumakay din ako para malaman ko kung saan siya nakatira. Mula noon ay lagi ko na siyang sinusundan. Inaalam ko kung saan siya nag-aaral at ang iskedyul ng paglabas.

Hindi ko maintindihan kung bakit nag-aalangan akong makipagkilala. Hindi ko alam kung paano ko siya i-a-aproach. Nangi­ngimi ako dahil unang-una, hindi naman ako guwapo.

Isang linggong nangyari iyon at nakahalata siya. Hinarap ako at sinabing kapag hindi ko siya nilubayan ay ipapupulis ako.

Dr. Love, isa bang krimen ang aking nagawa at puwede akong ipapulis?

Leo

Dear Leo,

Kung ikaw ay nakipagkilala nang maayos, hindi na sana dapat humantong sa ganyan ang nangyari sa iyo.

Oo naman, puwede kang maaresto for unjust vexation. Mabuti warning lang ang ibinigay sa iyo at hindi ka ipinabugbog sa mga tambay sa kanila.

Leksyon sa iyo iyan. Huwag nang uulitin ha?

Dr. Love

Show comments