^

Dr. Love

Eba na Adan pa

-

Dear Dr. Love,

May dalawang taon na akong masugid na reader ng inyong column. I like the love advice that you give sa mga nangangailangan ng payo. Ngayon, ibilang na po ninyo ako sa libu-libong sumusulat sa inyo para humingi ng payo.

Tawagin n’yo na lang akong Elsie, 31 anyos­ at sabihin na nating may pusong lalaki­. Pero hindi po 100 percent dahil dalawa po ang naging boyfriend ko. Sa boyfriend ko nga­yon, nagbabalak na kaming magpakasal sa Disyembre.

Hindi ko maintindihan ang feelings ko. Attracted din ako sa kapwa babae pero mahal ko ang boyfriend ko. Natatakot naman akong ipagtapat ito sa kanya at baka layuan ako.

Nangangamba kasi ako na baka kapag kasal na kami ay umibig ako sa kapwa ko Eba. Ganyan po kasi ako. Matindi kung magmahal.

Ano ang dapat kong gawin?

Elsie

 

Dear Elsie,

Natatakot ka sa bagay na hindi pa nangyayari. Mali iyan. Kung gugustuhin mo, mapi­pigil mo namang huwag kumawala ang damdaming hindi tama.

I-focus mo ang iyong isipan at puso sa iyong magiging asawa at sa magiging anak ninyo. Alalahanin mo na masarap ang pagsasama kapag maayos ang relasyon kaya huwag mong hahayaang masira dahil lamang sa hindi pa nangyayaring pakikipagrelasyon mo sa kapwa babae.

Huwag kang makalilimot manalangin. Ang takot at pag-ibig sa Diyos ay maglalayo sa iyo sa ano mang tukso.

Dr. Love

AKO

ALALAHANIN

ANO

DEAR ELSIE

DISYEMBRE

DIYOS

DR. LOVE

EBA

ELSIE

NATATAKOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with