^

Dr. Love

Break-up

-

Dear Dr. Love,

 Ituring mo na po ako na kabilang sa marami ninyong mga tagahanga. Ang mga nabasa ko na pong mga liham sa inyo ng inyong letter-senders at ang mga payo ninyong ipinagkaloob sa kanila ay nagsasabing mahusay kayong love counselor. Kaya nag­l­akas loob ako na idulog sa inyo ang problema ko.

Sinisisi ko ang sarili sa ginawa kong pakikipagkalas sa aking nobyo. Naging dahilan po ito kung bakit hindi siya nakatapos sa pag-aaral at nag-asawa nang biglaan para lang pasakitan ako.

Kapwa kami nag-aaral noon ng PT sa UP Manila. Mahalaga para sa akin ang makatapos dahil gusto kong maiahon ang pamilya ko sa kahirapan. Samantalang ang boyfriend ko hindi niya problema ang pera. Naging demanding siya, hindi ko ka­yang ibigay ang atensiyong gusto niya. Kaya para hindi ako maging unfair sa kanya, nakipag-break ako. Mahal ko ang boyfriend ko. Pero gusto kong maabot ang mga pangarap ko.

Hindi ako nagkamali, natupad lahat. Nakatapos ako, pumasa sa board at maging sa state board at nagtatrabaho na sa abroad. Nitong huling pag-uwi ko para dumalo sa aming reunion, may nagbalita sa akin sa nangyari kay Del. Hindi natupad ang plano niyang pag-aaral ng medisina, ni hindi niya natapos ang kursong PT dahil maagang nag-asawa nang mabuntis niya ang isang kaklase sa nilipatan niyang paaralan. Naawa ako sa dati kong nobyo. Pero parang wala na akong pagmamahal sa kanya.

Puwede ko ba siyang payuhan, kausapin o contact-kin para naman mawala ang aking guilty feeling. Payuhan mo po ako.

Maraming salamat po at ipagpatuloy ninyo ang inyong misyong ito sa buhay.

Gumagalang,

Norma

Dear Norma,

Wala kang dapat na ipagkaroon ng guilty feeling sa nangyari sa dati mong boyfriend. Bagaman sinasabi mong ang pakikipagkalas mo ng relasyon ang naging daan para magloko sa pag-aaral at mawalan ng direksiyon sa buhay ang nobyo mo, disin sana’y hindi niya tinanggap ang pakikipagkalas mo.

Hindi ka naman dapat nakipagkasira sa kanya kung hindi lang naging demanding ang boyfriend mo. Pinili mo ang commitment sa pamilya bago ang sariling kapakanan at iyan ang ipinagkakaiba mo sa dati mong boyfriend.

Wala siyang dapat na sisihing iba sa nangyari sa kanya kundi ang sarili niya.     Ginagabayan ng Panginooon sa matuwid na landas ang mga taong marunong magpahalaga sa kabutihan ng mas nakararami kaysa sarili niya.

Dr. Love

AKO

BAGAMAN

DEAR NORMA

DR. LOVE

GINAGABAYAN

KAYA

NIYA

PERO

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with