Sinungaling na mister

Dear Dr. Love,

Binabati ko po kayo sa tagumpay ng inyong kolum. Ako po ay sumusubaybay sa inyo through on-line. Maganda at tama po ang mga advice ninyo kaya naengganyo rin po akong sumulat at humingi ng inyong payo.

Ako po ay sobrang nahihirapan at nalilito sa feelings at igagawi ko sa aking asawa. Dahil sa history ng pagsisinungaling niya sa akin bago pa man kami ikasal at hanggang ngayon, kinakikitaan ko pa rin ng palatandaan ang kanyang pagsisinu­ngaling. Pero hindi ko na magawang magtiwala at maniwala sa mga sinasabi niyang pagbabago. Ito ay ukol sa babae at ukol sa pinansyal niyang kakayahan na ibinibigay sa amin ng mga anak niya.

Naniniwala akong ang pinagsama ng Diyos ay hindi dapat maghiwalay. Ngunit nahihirapan ako kung lagi na lang na ginagawa niya ang pagsisinungaling na pakiramdam ko ay hindi na niya ako nirespeto bilang asawa. Napapagod po ako sa paulit-ulit na gawain niya kahit na nag-usap na kaming magbabago siya. Sa sobrang pagod parang unti-unti na pong nawawala ang pagmamahal na dati ay meron ako para sa kanya.

Ano po ba ang dapat kong gawin? Hindi po ako sanay na mag-pretend na okay lang ako kahit­ alam kong niloloko lang po ako. Sana po ay bigyan ninyo ng liwanag ang aking isip sa sitwasyon kong ito.

Maraming Salamat po,

Leeona

Dear Leeona,

Kung tunay mong mahal ang isang tao at may natuklasan kang kapintasan sa kanya, hindi wasto na mamatay ang pag-ibig mo sa kanya. Isa pa, nasabi mo na bago pa kayo ikasal ay kinakitaan mo na siya ng kawalan ng katapatan. Bakit pinakasalan mo siya at ngayo’y tila nagsisisi ka?

Hindi malinaw sa akin kung paano siya nagsisinungaling sa iyo. Mayroon ba siyang babae na inililihim niya? Pero ano man ito, huwag kang susuko. Ang sabi sa Biblia, “love covereth a multitude of imperfections.” (1 Peter 4:8)

Hindi nangangahulugan na kukunsintihin natin ang mali kundi dapat tayong magsikap para maituwid ito. Dagdag na pananampalataya at pana­langin ang kailangan.

Afterall, sino bang tao ang walang kapintasan? Pero sa kabila niyan ay mahal pa rin tayo ng Diyos at hangad Niya na tayo ay magbalik-loob sa Kanya.

Dr. Love

 

Show comments