Ayaw nang umibig

Dear Dr. Love,

Una sa lahat, nagpupugay ako sa inyo at sa lahat ng masugid na tagasubaybay ng iyong kolum.

Tawagin mo na lang akong Eliza, 25 an­yos­ at single pa rin. Itatanong mo siguro kung bakit. Kasi po ay limang ulit na akong nakatikim ng kabiguan sa pakikipag­relasyon.

Una akong nagka-boyfriend nang ako’y 19 anyos lang. Hindi nagtagal ang relasyon namin dahil nag-abroad sa Amerika ang pamilya niya at kasama siya. Nabalitaan ko na lang na nag-asawa na siya doon.

Pagkatapos ay nagka-boyfriend ako na nagsalawahan din. Nakipag-break matapos ang tatlong buwan naming relasyon. Ganoon din ang nangyari sa iba ko pang na­ging kasintahan. Wala akong nakita ni-isang tapat sa kanila.

Pagkatapos noon ay nagpasya akong hindi na iibig muli. Isa ako ngayong nobis­yada at malapit nang maging full-fledged na madre. Pero naguguluhan ang isip ko.

Hindi ko kasi maseguro kung talagang may bokasyon ako sa pagmamadre o dala lamang ito ng mga kabiguan ko sa pag-ibig. Ano ang gagawin ko?

Eliza

 

Dear Eliza,

Sa mga Katoliko ang pagpapari o pagmamadre ay bokasyon na dapat lang pasukin kung talagang may calling ang isang tao. Hindi ito dapat bunsod ng kabiguan sa pag-ibig.

Kaya pakaisipin mong mabuti bago ka pu­masok­ sa pagmamadre.

Isa pa, ang mga nakaraan mong kabiguan ay hindi dapat maging dahilan para mawalan ka ng tiwala sa lahat ng kalalakihan. Malay mo, one of these days ay sumulpot na lang ang lalaking karapatdapat sa iyo at sadyang itinadhana ng Panginoon para sa iyo.

Dr. Love

Show comments