^

Dr. Love

May iba nang mahal

-

Dear Dr. Love

Lagi po akong nagbabasa ng column n’yo. Minsan kasi nakakarelate ako. Minsan pa, nakakapulot ako ng aral. This time, gusto ko ring magshare. At sana matulungan n’yo po ako.

Itago n’yo na lang po ako sa pangalang Micaela. Tur­ning 18 na po ako. Pero parang 28 na daw. Halos di ko na po kasi naranasan ang maging isa sa kabataan. Maaga akong namulat sa katotohanan ng buhay eh. Saka wala raw sa itsura.

Dr. Love, may bf po ako. 4 years and 5 months na po kami. May nangyari na po sa amin at legal po kami sa parehong partido namin. Kung tutuusin po mag-asawa na kami. Kaya lang ang diperensya, andito po ako sa Maynila at siya, nasa probinsya. Iniwan ko po siya doon dala ng tawag ng obligasyon. Dalawang taon mahigit na po ka­ming long distance relationship pero nakakayanan namin.

Sa ngayon po isang linggo na kaming walang kontak. At may nakilala ako dito sa Maynila. Siya si Carl. Natutunan ko na siyang mahalin pero di ko s’ya sinasagot sa panliligaw n’ya dahil may bf nga ako. Kaya lang naramdaman kong mahal na namin ang isa’t isa. Gusto n’ya may mangyari sa amin. Tama po bang pumayag ako tutal mahal n’ya ako? 24 na po sya. Ang bf ko 18 pa lang po.

Thanks Dr. Love and more power to you.

With due respect,

Micaela

 

Dear Micaela,

Magiging unfair ka sa boyfriend mo na halos asawa mo na dahil kasal na lang ang kulang.

Kung may mahal ka nang iba, makipag-break ka muna sa kanya. Walang hadlang dahil hindi naman kayo kasal.

Kaso, hindi tama ang live-in. Hindi rin tama ang pre-marital sex. Nangyari na iyan sa una mong karelasyon na iniwan mo sa probinsya kaya huwag mo na sanang ulitin.

Micaela, tao tayo, hindi hayop. Ang hayop puwedeng makipagtalik sa iba-iba. Pero tayo’y espesyal na nilalang ng Diyos.

Inuulit ko, makipagkalas ka muna sa una bago ka lumipat ng ibang kandungan. At kung magmamahal ka uli, magpakasal muna bago magtalik, ok?

Dr. Love

vuukle comment

AKO

DALAWANG

DEAR MICAELA

DR. LOVE

KAYA

MAYNILA

MICAELA

MINSAN

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with