^

Dr. Love

Mas sinuwerte sa pagkabigo

-
Dear Dr. Love,

Isa po akong migranteng Pinoy na naging mamamayang Amerikano matapos makapangasawa ng isang Kano. Maligaya ako sa buhay may-asawa at kahit halos kuwarenta anyos na nang makaisip mag-asawa, pinalad pang magkaroon ng isang anak na ngayon ay 18 anyos na at isang matikas na binata. Salamat sa aking kabiyak na siyang pinagmanahan ng kanyang height at matangos na ilong.

Sa pagtanggap po ninyo ng sulat na ito, nakabalik na ako sa States. Sa pag-uwi kong ito, nakabasa ako ng sikat ninyong dyaryo at nabasa ko po ang column ninyo. Naisipan ko pong sumulat para makapag-ambag ng karanasan ko sa pag-ibig na siyang naging dahilan ng aking pangingibang bansa 20 taon na ang nakalilipas.

Tawagin mo na lang akong Che, dating titser sa isang lalawigan sa norte. May limang taon na akong nagtuturo sa isang pampublikong high school nang makilala ko ang isang binata na kaklase ng isa kong pinsan. Semestral break noon at isinama siya ng pinsan kong lalaki sa aming bayan. Ang akala ko, manliligaw siya sa akin. Huli na nang malaman ko na kaya pala niya ako sinusulatan, nais niyang magpatulong sa akin sa panliligaw sa isa kong co-teacher. Masama man ang loob ko sa pagkabigo kong mapansin niya, tinulungan ko pa rin siyang makilala ng co-teacher kong si Melissa. At nagkamabutihan silang dalawa. Dito ako nakaisip na magbitiw na sa pagtuturo dahil hindi ko matitiis na nakikita silang maligaya ni Melissa, samantalang nagdurugo ang puso ko.

Lumuwas ako ng Maynila para maghanap ng mapapasukan. Pinalad akong matanggap bilang guro sa US. Dito ko nakilala ang mabait kong mister, guro rin pero balo na may isang anak. Niligawan niya ako at dahil sa alam kong sinsero siya sa intensiyon, nagpakasal ako sa kanya.

Noon, hindi ko pa nakakalimutan ang lalaking unang nagpatibok sa puso ko pero kaibigan lang pala ang turin sa akin. Sa pag-uwi ko dito sa Pilipinas, na-realize ko na isang kabaliwan ang  patuloy na pagtatangi ko sa first love ko. Kahit nabigo ako sa pag-ibig ko noon, maswerte pa rin ako dahil hindi ako ang niligawan niya. Dahil matapos mabuntis iniwanan niya na walang pangalan ang anak at ang co-teacher ko. Naging mas maswerte pa ako dahil mabait at mahal na mahal ako ng Kanong napangasawa ko. Maraming salamat po at hangad ko ang patuloy ninyong tagumpay.

Truly yours,

Che

 

Dear Che,

Mahal ka ng Diyos kaya ka Niya iniligtas sa isang lalaki na hindi naman wagas ang pagmamahal. Iukol mo na lang ang pagmamahal mo at atensiyon sa iyong asawa dahil sa kanya mo natagpuan ang katapatang hanap mo sa isang lalaki kahit iba ang lahi niya. Mapalad ang taong naghihintay.

Dr. Love

AKO

AMERIKANO

DAHIL

DEAR CHE

DITO

DIYOS

DR. LOVE

ISANG

KONG

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with