Dear Dr. Love,
Tanggapin po ninyo ang mataos kong pagbati sa maganda ninyong column.
Isa akong trainor sa ehersisyo noong nakakalaya pa. Nakulong ako sa pagdedepensa sa sarili. Maimpluwensiyang tao ang nasa likod ng aking kaso na nabahiran pa ng pulitika. Isa kasi akong lider noon sa aming probinsiya.
Natanggap ko na po ang lahat, bagaman masakit ito sa aking kalooban dahil pinaglayo kami ng aking asawa at anak ng pagkakakulong ko. Nagpunta sila sa Maynila para magtrabaho ang misis ko upang masuportahan ang pangangailangan ng aking mga anak. Pero nabalitaan ko na lang na mayroon nang lalaking kinakasama ang aking misis. Sa pangyayaring ito, halos gumuho ang mundo ko. Gusto ko nang magpakamatay bago tuluyang masiraan ng isip. Subali’t may takot pa ako sa Diyos kaya nakontrol ko ang sarili sa maitim kong balak.
Kaya sa pagharap sa hamon ng buhay, pinili ko ang magpatuloy ng pag-aaral sa kursong business administration major in marketing management. Sa pamamagitan nito, kahit paano ay nalimutan ko ang masakit na sinapit ng aking buhay.
Sana po, mapayuhan ninyo ako at hangad kong magkaroon ng maraming kaibigan na makapagbibigay sa akin ng moral support, maging ng tapat na magmamahal sa akin sa kabila ng sinapit ko.
Truly yours,
Randy Ordeales
Student Dormitory 4-D
MSC Camp Sampaguita
Muntinlupa City 1776
Dear Randy,
Hindi nga madaling tanggapin na ang isang dating maligayang tahanan ay maging watak-watak na ngayon dahil sa pagkakulong mo dulot ng kawalan ng kahinahunan. Gayunman, alam ko na mabuti kang tagasunod ng ating Panginoon dahil napigil mo na tapusin ang sariling buhay.
Yaman din lang na natanggap mo ang pagkakasala, matututuhan mo ring tanggapin ang pagtalikod ng iyong asawa. Hindi tayo binibigyan ng ating Panginoon ng pagsubok na hindi natin malulusutan at balikatin. Ipagpatuloy mo ang pagpapakabuti sa loob para makabilang ka sa posibleng mapalaya ng maaga.
Dr. Love
Tinalikuran ni Misis