^

Dr. Love

Pagod na si misis

-

Dear Dr. Love,

Binabati ko po kayo sa tagumpay ng inyong kolum. Ako po ay sumusubaybay sa inyo through on-line. Maganda at tama po ang mga advice ninyo kaya naengganyo din po akong sumulat at humingi ng inyong payo.

Ako po ay sobrang nahihirapan at nalilito sa feelings at igagawi ko sa aking asawa. Dahil sa history ng pagsisinungaling niya sa akin bago pa man kami ikasal at hanggang ngayon kinakikitaan ko pa rin ng palatandaan ng kanyang pagsisinungaling ay hindi ko na magawang magtiwala at maniwala sa mga sinasabi niyang pagbabago. Ito ay ukol sa babae at ukol sa pinansyal niyang kakayahan na ibinibigay sa amin ng mga anak niya.

Naniniwala akong ang pinagsama ng Diyos ay hindi dapat maghiwalay. Ngunit nahihirapan ako kung lagi na lang na ginagawa niya ang pagsisinungaling na pakiramdam ko hindi na niya ako nirespeto bilang asawa. Nakakapagod po ang paulit-ulit na gawain niya kahit na nag-usap na kaming magbabago siya. Sa sobrang pagod parang unti-unti na pong nawawala ang pagmamahal na dati ay meron ako para sa kanya.

Ano po ba ang dapat kong gawin? Hindi po ako sanay na magpretend na okay lang ako kahit alam kong niloloko lang po ako. Sana po bigyan ninyo ng liwanag ang aking isip sa sitwasyon kong ito.

Maraming Salamat po,

Leeona

Dear Leeona,

Hindi ka nag-iisa sa ganyang problema. Nalulungkot nga ako at tila palaging kontrabida ang papel naming mga kalalakihan sa pakiki­pag-relasyon. Laging kami ang kumakaliwa at nalululong sa masamang bisyo.

Pero tama ka Leeona. Nakakapagod talaga na umasa nang umasa sa pangako ng lalaking magbabago pero hindi naman ginagawa. But as you said, naniniwala ka na ang pinagtalik ng Diyos ay di dapat paghiwalayin ng tao. Hindi madali ang sumunod sa tagubilin ng Diyos pero kung taimtim ang pananampalataya mo, maniniwala ka na ang lahat ng nangyayari sa buhay ng tao ay may magandang patutunguhan kung lagi tayong mananalig na gagalaw ang Diyos para sa ikalulutas ng ano mang problema.

Ipanalangin mo siya at magtiwala kang may himalang gagawin ang Diyos. Pero may papel ka ring dapat gampanan. Ang sabi ng Biblia, ang masama ay gantihan ng mabuti. Lalu kang magpakita ng kabutihan sa kanya sa kabila ng kanyang ginagawang pagtataksil at ang kabutihang iyan ang lulusaw sa kanyang puso para ma-realize ang mga kamaliang ginagawa niya sa iyo.

Dr. Love

AKO

ANO

DEAR LEEONA

DIYOS

DR. LOVE

LEEONA

MARAMING SALAMAT

NAKAKAPAGOD

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with