^

Dr. Love

Isa pang pagkakataon

-

Dear Dr. Love,

Ako po si Senon, isang binatang ama. Bago ako nakulong mayroon akong isang babaeng ka-live in at nagkaroon kami ng isang anak.

Naging maayos naman at masaya ang aming­ pagsasama hanggang sa may makilalang lalaki si Nilda at nagtanan sila. Naiwan ang aming anak sa aking poder. Para sa akin Dr. Love, kung saan siya maligaya hindi ko siya pipigilan. Pero sa akin ang aming anak.

Pero sadyang mapagbiro ang tadhana. Nakulong ako kaya naiwan sa aking kapatid ang aming anak. Na siya namang pagsulpot ni Nilda­. Umiiyak na humingi ng tawad. Nais niyang buuin muli ang aming pamilya. Hihintayin daw niya ang aking paglaya. Ipinangako niyang aalagaan ang aming anak at maghahanap siya ng trabaho para mayroon siyang maipan­t­aguyod sa aming anak

Kakalimutan ko na sana siya pero nang mag­kausap kami nakalimutan ko na ang gi­nawa niya at gusto ko siyang yakapin. Pero urong-sulong ako sa pagpapasya. Ano po ang mabuti ‘kong gawin, Dr. Love? Hindi kaya lokohin uli ako ni Nilda at kunin ang aming anak? Hihintayin ko po ang payo ninyo.

Maraming salamat at sana, magtagumpay pa ang inyong column.

Gumagalang,

Senon

 

Dear Senon,

Hindi masama ang magpatawad at mag­bigay ng ikalawang pagkakataon sa iyong live-in partner para maibangon niya ang nawasak ninyong tahanan. Subukan mo na muling pagkatiwalaan ang iyong kinakasama alang-alang sa inyong anak.

Pinakamabuti rin kung iisipin na nasa paligid ng iyong anak ang kanyang ina para matiyak na maaalagaan siya ng mabuti habang nakakulong ka. Lagi mo sanang ikonsidera hindi lang ang sa pagitan ninyo ni Nilda kundi higit sa lahat ang para sa inyong anak.

Dr. Love

AMING

ANAK

ANO

DEAR SENON

DR. LOVE

HIHINTAYIN

NILDA

PERO

SENON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with