Gantihan ng mabuti ang masama
Dear Dr. Love,
Good Day! Tawagin n’yo na lang po akong Ms. February lagi po akong nagbabasa at nanonood ng Dr. Love webisode at sana sa pagkakataong ito liham ko naman ang inyong bigyang daan.
May problema po ako. May boyfriend po ako ngayon mahigit 1 year na po kaming nagsasama. Masaya naman po ako, hindi ako nagsisisi na magsama kami. Ang kaso po ‘yung kapatid po niya galit po sa akin, sa hindi malamang dahilan. Iisang company ang pinapasukan naming tatlo.
May mga nagawa na sa akin ang kapatid niyang babae na hindi maganda. Muntik na niya akong bundulin, sinusungitan ako at may time pa na sinabi niya sa boyfriend ko na nangunguha ako ng pera ng iba which is not true. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ng galit sa akin ng kapatid niya before naman maging kami ng boyfriend ko ay friends pa kami.
Nagso-sorry na ako sa kanya kahit hindi ko alam kung ano ba dapat ‘kong ika-sorry sa kanya. Everytime na may occassion binabati ko siya like nung mother’s day, binati ko siya pero walang reply. Pati mama nila binati ko pero wala rin reply kaya piling ko ayaw sa akin ng pamilya niya.
Wala naman ginagawa ang boyfriend ko para magkaayos kami ng kapatid niya at para makilala ako ng husto ng parents niya. Dr. Love sana po bigyan n’yo ko ng advise kung ano po ba ang dapat ‘kong gawin para maging maayos na ang lahat... salamat po.
Ms. February
Dear Ms. February,
Hindi ko sakop ang damdamin ng hipag mong hilaw kaya wala akong maigagarantiya na puwedeng bumuti ang pakikitungo niya sa iyo.
But just continue being good to her sa kabila ng magaspang na pakikitungo niya sa iyo. Medyo mahirap iyan dahil may relasyon kayo ng kanyang kapatid. But nonetheless, the Bible tells us to repay evil with good. Be a Christian in your attitude towards her at baka naman sa patuloy mong pagpapakita sa kanya ng kabutihan ay magbago rin ang pakikitungo niya sa iyo.
Kung hindi pa rin siya magbago sa kabila ng good treatment mo sa kanya, wala kang problema. Siya ang may problema dahil galit siya, ikaw hindi. Keep on praying for her too at huwag magtanim ng hinanakit. Pag-usapan n’yo rin ng boyfriend mo ang problemang iyan.
Dr. Love
- Latest
- Trending