Na-in love sa magpapari

Dear Dr. Love,

Isang pambihirang lalaki ang aking nakilala. Pambihira dahil sa kabila ng kanyang nakahuhumaling niyang katangiang pisikal ay nanatili siyang tapat sa una niyang pi­nag­laan ng kanyang pagmamahal.

Si Simeon, nakilala ko siya nang magka­taon na ako ang duty bilang nurse habang nagpapagaling siya makaraang maoperahan sa thyroid­ gland. Aminado ako na sa simula pa lang ay talagang attracted na ako sa kanya.

Naging malapit kami hanggang sa duma­ting ang paglabas niya sa ospital. Nangako siyang babalikan ako para mailabas bilang pasasa­lamat sa mabuting pag-aasikaso sa kanya. ‘Yun ang nangyari.

Naulit pa ito kung saan niya ipinagtapat na gayundin ang nararamdaman niya para sa akin. Pero hindi na niya basta isantatabi ang pinaglalaanan niya ng pagmamahal at serbisyo, para sa Diyos.

Naunsyami man ako sa unang lalaking mi­nahal ko, masaya pa rin ako Dr. Love dahil hindi ko kayang tumbasan ang pag-ibig na laan niya kay Kristo. Natupad ang sinabi niya, may dumating na bagong pag-ibig sa akin, na ngayo’y ama ng dalawa ‘kong mga anak.

Maraming salamat po sa pagkakataon ibi­nigay ninyo sa liham ko at sana naging ma­kabuluhan ang bawat nating pagtitika sa nakalipas na mahal na araw.

Gumagalang,

Flordeliza

Dear Flordeliza,

Salamat sa liham mo at nagagalak ang pitak na itong mabatid na maligaya ka nga­yon sa piling­ ng lalaking pinili marahil ng Pangi­noon para mahalin ka at paligayahin sa tulong na rin ng nagpari mong kaibigan.

Sana magpatuloy ang walang kupas na pana­nalig mo sa kabutihan ng ating Pa­nginoon na siyang tunay na nakakaalam ng ating magiging kapalaran.

Mahalin mong lubos ang iyong kabiyak.

Dr. Love

Show comments