^

Dr. Love

Sumpaan

-

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Laarni, 32 anyos at itinuturing ko ang sarili ko na biyuda.

Taong 2001 nang mamatay ang boyfriend ko. Nakatakda na sana kaming ikasal noon matapos ang dalawang taong engagement. Ang sumpaan namin ay walang mag-aasawa sa iba kung sino man sa amin ang mamatay.

Kahit nakaburol na siya, ikinasal pa rin kami. Sampung taon na ngayon ang nakalilipas. Akala ko’y mananatili ang apoy ng pag-ibig ko sa kanya hanggang dumating sa aking­ buhay ang isa pang lalaki.

Alanganin akong sagutin siya dahil sa aming sumpaan ng yumao ‘kong kasintahan. Pero aaminin kong umiibig ako sa aking manliligaw. Ano ang dapat ‘kong gawin?

Laarni

 

Dear Laarni,

Kailan man ay hindi ka nagka-asawa dahil ikinasal ka sa isang patay. Paano makakapirma ang patay sa kasamiyento? Pangalawa, kung balido man ang kasal mo, patay na siya at ang sino mang taong nabiyudo o nabiyuda ay malaya nang mag-asawang muli. Hindi ako ang may sabi niyan kundi ang Bible na Salita ng Diyos.

Oo naman. Puwede kang mag-asawa at wala kang lalabaging batas, sa Diyos man o sa tao.

Dr. Love

ALANGANIN

ANO

DEAR LAARNI

DIYOS

DR. LOVE

KAHIT

KAILAN

LAARNI

NAKATAKDA

OO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with