Naaktuhang may lover si mister

Dear Dr. Love,

Itago mo na lang ako sa pangalang Denise, 32 years old, may asawa at dalawang anak.

Dr. Love, pagpayuhan po ninyo ako sa problema ko. Hindi ko po kasi alam kung babalik pa ang pagtingin ko sa asawa ko. Matapos ‘kong maaktuhan siya habang katabi ang isang bagets na kapwa nude at tulog na tulog sa aming master bedroom.

Sinarili ko po ang tungkol dito para mapanatili ang katahimikan ng aming tahanan at manatili ang respeto ng aming anak sa kanya. Nagkausap na po kami at humihingi siya ng second chance. Hindi ko na po matiyak ang tungkol dito.

Nagtatrabaho po ako ngayon para sakaling matuloy ang plano ‘kong pakikipaghiwalay ay hindi ako aasa sa kanya. 

Maraming-maraming salamat po at sana’y malutas ko nang maayos ang problema ko.

Respectfully yours,

Denise

Dear Denise,

May kaselanan ang problema mo at ang ma­ling hakbang ay maaaring maging daan ng mas malaking epekto sa pinangangalagaan mong reputasyon ng pamilya at  malalim na sugat sa damdamin ng mga anak. May nalalabi ka pa ring pagtingin sa asawa mo dahil isinasaalang-alang mo pa rin ang kapakanan ng inyong pamilya. Para sa akin, makakatulong kung ipagtatapat mo sa iyong mga magulang at kapatid ang tungkol dito. Makakatulong sila sa problena mo. Gayunman man, sikapin mo munang maakay sa tama ang iyong mister. Bigyan mo siya ng second chance at mag-usap kayo ng masinsinan.

Dr. Love

Show comments