^

Dr. Love

Mailap ang ligaya

-

Dear Dr. Love,

Isa pong mainit na pagbati. Saludo talaga ako sa napakaganda ninyong pitak na ito.

Itago ninyo na lang ako sa pangalang Tina, 40 years old at tubong Maynila.

Bagaman laking siyudad, sa lalawigan ng Cavite nagsimula ang aking kalbaryo sa buhay nang makapangasawa ako ng lalaking hindi ko mahal. Marami sa mga kaibigan ko ang nagsabi na maaari akong ginayuma. Hindi ko nga alam kung bakit nakasal ako sa lalaking hindi ko naman gusto. Nagkahiwalay kami nang magkaroon kami ng isang anak. Umuwi na ako sa aking­ pamilya sa Maynila at muling nagtrabaho. Doon ko nakilala ang pangalawang lalaki na inibig ko at pinakisamahan dahil hindi na ako puwedeng pakasal.

Pero bigo pa rin ako dahil nang nagdadalang-tao na ako sa aking pangalawang anak, saka ko nalaman na gumagamit ng droga at sugarol siya.

Tumagal lang ng dalawang taon ang aming pagsasama na puno ng pagtitiis at pagdurusa. Matapos ‘kong isilang ang pangatlo kong anak iniwanan ko na siya dala ang bagong panganak na sanggol. Iniwan ko sa kanya  ang naunang dalawang batang lalaki.

Nagtrabaho ako sa Middle East, 2006 nang magbakasyon ako at kumuha ng bahay sa pamamagitan ng PAG-IBIG FUND bago bumalik uli sa abroad.

Nagtataka lang po ako dahil sa pagsisikap ‘kong maayos ang buhay ko ay nanatiling walang pagbabago. Pagpayuhan po ninyo ako.

Ang hiling ko na lang ngayon kung ipahihintulot ng langit na makatagpo ako ng totoong pag-ibig. Ang hanap ko ay may pusong dalisay at tapat na makakasama ko sa pagtanda ko.

Maraming salamat po at more power to you.

Lubos na gumagalang,

Tina ng Cavite, 09267167573

Dear Tina,

Mailap kung minsan ang tunay na pag-ibig. Pero madalas, kahit hindi mo ito hanapin bigla na lang dumarating sa buhay ng isang tao.

Ang karanasan mo sa mga naunang pag-ibig ay dapat na magsilbing aral na sa iyo sa paghahanap ng lalaking mamahalin at makakasama habang buhay.

Kailangang kilalanin mo muna ng mabuti ang lalaking nanliligaw bago sagutin. Huwag ka nang padalos-dalos sa paghanap ng makakasama sa buhay para maging masaya ang iyong buhay.     

Dr. Love

vuukle comment

AKO

BAGAMAN

CAVITE

DEAR TINA

DR. LOVE

MAYNILA

MIDDLE EAST

PERO

TINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with