^

Dr. Love

Bumalik sa pugad

-

Dear Dr. Love,

Consider me now as one of your ardent fans. Lately, ang nababasa ko po sa column ninyo ay mga problema sa lovelife na may kinalaman sa pamilya. I appreciated it very much. Naka-relate ako sa ilang nailathala na ninyo. May pagkakahawig iyon sa naging buhay ng aming pamilya nang maghiwalay ang aming mga magulang. Nasa mahigit kuwarenta anyos sila nang magkanya-kanya sila ng buhay. Pareho naman kaming high school ng kapatid ko.

May karelasyong balo na may apat na anak ang aming ama. Mukhang seryoso siya sa karelasyon dahil ipinagpundar pa niya ng parlor­. Ang daddy ko rin ang nagpapaaral sa isa sa mga anak nito. Habang kami ay lingguhan kung ilabas niya. Hindi iyon sapat para sa aming­ magkapatid.

Alam ng aming ina ang lahat pero nagpapatay-malisya lamang siya. Nagpasya kami magkapatid na iheart-to-heart talk ang aming ama. Sinabi namin sa kanya na baka pinadadama lamang siya ng karelasyon para may sasagot sa lahat niyang obligasyon. Hanggang sa isang gabi ay hindi inaasahang nakita namin sa bahay si Daddy magkausap sila ng aming ina. Kinabukasan, kasabay na namin siya sa almusal habang masaya namang nagluluto ang aming ina. Nagbabalik pugad na pala siya. 

Namulat daw ang aming ama sa ginawa naming pakikipag-usap sa kanya. Nangako sila kapwa na hindi na mangyayari uli ang hiwalayan blues nila dahil natuto na sila sa pagkakamali.

Maligayang-maligaya ako Dr. Love, dininig din ng Diyos ang aking dasal.

Maraming, maraming salamat po sa pagbi­bigay daan ninyo sa liham ko. Sana, makatulong ito sa ibang mag-asawa at matutunan nila na walang problemang hindi nalulutas kung mayroong unawaan at bukas ang isa’t isa sa komunikasyon.

Brenda

Dear Brenda,

Hindi lang magulang ang nagdadala ng prob­lema, ito ang pinatunayan ng karanasan ng inyong pamilya. Natitiyak ko na makakakuha ng leksiyon dito ang ating mga mambabasa.

Humahanga ako sa inyong magkapatid. Tunay­ na ang kalutasan ng problemang pampamilya, kung minsan ay nasa kamay din ng miyembro­ nito.

Salamat sa liham mo.

Dr. Love

ALAM

AMING

BRENDA

DEAR BRENDA

DIYOS

DR. LOVE

HABANG

HANGGANG

HUMAHANGA

KINABUKASAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with