^

Dr. Love

Sandamakmak na mali

-

Dear Dr. Love,

Dr. Love hihingi lang po sana ako ng payo sa inyo. Tawagin n’yo na lang po ako sa pangalang Blackeyes.

Meron po akong boyfriend at gay po ako kaso po ‘yung boyfriend ko ay may asawa at anak na po. Pero sabi sa’kin ng boyfriend ko mahal niya ako at kaya niya kami pagsabayin ng asawa niya.

Dr. Love dumating na po ‘yung time na nalaman ng asawa niya at okey lang po sa asawa niya na may dyowa ‘yung asawa niya na bading huwag lang daw babae.

Close po ako sa family ng boyfriend ko kasi boto sila sa akin kahit may asawa na po ang anak nila. Kaya lang po Dr. Love kapag nagpupunta po ako sa kanila ‘di ko po maiwasan na magselos sa kanila. Ano po ba ang kailangan kong gawin?

Nahihirapan na rin po kasi ako Dr. Love sa sitwasyon namin pero ayoko po na mawala siya sa akin. Tanggap ko naman po siya kahit may asawa at anak na po siya kasi sobrang mahal ko po siya.

Sana po mapayuhan n’yo po ako.

Sincerly yours,

Blackeyes

 

Dear Blackeyes,

Malamang magalit ka pa sa akin sa payo ko. Pati ‘yung mga pro-gays at “federacion” ng mga bading at tomboy ay malamang masuklam sa akin. Pero huwag naman dahil hindi ko naman hate kundi loves ko rin ang mga hindi ko katribu sa kasarian and I continue to pray for them. Ang tao ay may iba’t ibang opinyon at ito ang aking masasabi sa kaso mo since hinihingi mo ang aking advice.

Nabuhusan ka ng santambak na mali: Unang­ mali -- ayon sa Diyos na pinaniniwalaan ko, bawal ang sexual relation ng lalaki sa lalaki at babae sa babae; Pangalawang mali – kinukun­sinti ng asawa ng boyfriend mo ang kanyang pagkakaroon ng relasyon sa iyo; Ikatlong mali – kinukunsinti din siya ng kanyang mga parientes na makipagrelasyon sa iyo.

Nasa iyo ang huling pasya. Isa pang advice ko, magbasa ka at magbulay sa Salita ng Diyos para maliwanagan ang iyong isip. Walang imposible sa Diyos at iyan ay patutunayan sa iyo ng ilang dating bading at tomboy na may sarili nang pamilya at nagkaroon ng mga biological children. God can truly change anyone kung papayag silang mabago. God bless you.

Dr. Love

AKO

ANO

ASAWA

DEAR BLACKEYES

DIYOS

DR. LOVE

IKATLONG

ISA

KAYA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->