^

Dr. Love

Kuripot na nobyo

-

Dear Dr. Love,

Hello po! Tawagin mo na lang po akong “Diyosa­”, 18 taong gulang, isang college student. May boyfriend po ako, kaklase ko siya. Bukod sa matangkad si Noel, siya ay simpatiko at matalino siya sa klase. Malaki ang naitutulong niya sa akin sa pag-aaral ko dahil natuturuan niya ako ng leksiyon.

Bagaman nagmamahalan kami, ang hindi ko masyadong gusto sa kanya ay ang pagiging kuripot niya. Matipid siya sa lahat ng bagay. Minsan lang siya magregalo sa akin at kung lalabas kami nang hindi inaasahan ay ako ang taya.

Puwede po bang mabago ito. Minsan sinasabihan ko siya sa kakuriputan niya pero tinatawanan lang niya ako dahil ito raw ay katipiran, isang magandang ugali na tinatalima sa kanilang pamilya bilang isang uri ng disiplina.

Dapat ko po bang palampasin ang ugaling ito ng boyfriend ko o dapat na bang maghanap ako ng ibang galante?

Gumagalang,

Diyosa

 

Dear Diyosa,

Ang pagtitipid ay hindi isang malaking kapintasan sa babae man o lalaki. Dahil sa panahon ngayon, malaki ang naitutulong nito lalo na sa tulad ninyong nag-aaral pa. Dahil ang natitipid ay magagamit pa sa ibang pangangailangan.

Hindi matatawag na kuripot ang nobyo mo kundi marunong lang maghawak ng pera. Na palatandaan ng pagiging isang responsableng nilalang.

Nasa iyo ang desisyon kung responsible o bulagsak sa pera na boyfriend ang hanap mo.

Dr. Love

BAGAMAN

BUKOD

DAHIL

DAPAT

DEAR DIYOSA

DIYOSA

DR. LOVE

GUMAGALANG

MALAKI

MINSAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with