Nagsasamanang 'di kasal
Dear Dr. Love
Good day po sa inyo and to all readers of your column. I read your everyday column through internet since I am currently working in a call center right now.
Call me Ms. Lady in Blue. I am 23 years old right now, and I already have two kids. Hindi kami married ng tatay ng mga anak ko, siguro dahil hindi pa kami ready pareho.
At dito sa sitwasyong ito ako naguguluhan, Dr. Love. Nandito kami ngayon sa bahay ng mga magulang ko dahil walang trabaho ang tatay ng mga anak ko.
Marami ang nagsasabi sa akin na hiwalayan ko na raw siya, pero ayaw ko naman na maging broken ang pamilya ko. Takot na rin ako makipagrelasyon sa iba. Hindi ko na po alam ang estado ng relasyon namin. Nami-miss ko na ang affection na dapat sana’y nararamdaman ko sa partner ko.
Naguguluhan ako Dr. Love, ano po bang dapat kong gawin? Gusto ko rin po sanang maging kaibigan si Edwin, ‘yung letter sender po na na-published last Feb. 08, 2011.
Lubos na nagpapasalamat,
Ms. Lady in Blue
Dear Lady in Blue,
Huwag kang magpadalus-dalos sa ano mang desisyon na hiwalayan ang lalaking kinakasama mo. Ano ba ang depekto ng kinakasama mo? Wala siyang trabaho? Magagawa naman niyang maghanap kung kinakailangan.
As much as possible, hanapan mo ng paraan na ma-preserve ang relasyon ninyo at kung maaari’y magpakasal na kayo para hindi maging illegitimate ang inyong dalawang supling.
Dr. Love
- Latest
- Trending