^

Dr. Love

Naunsiyaming marriage proposal

-

Dear Dr. Love,

Isa po akong nurse na nagtatrabaho sa abroad.

Kung paano ko po natuklasan ang malaganap ninyong pitak, utang ko ito sa aking pinsan na suki ng popular ninyong pahayagan.

Ang problema ko pong idinudulog sa inyo ay ang pagkakalabuan na namin ng relasyon ng nobyo ko pagkaraan ng mahigit na tatlong taon naming pagi­ging magkasintahan.

Si Elmo ay isang medtech. Iisa ang aming probinsiya. Isang paaralan ang aming pinasukan mula elementarya hanggang high school. Nagkahiwalay lang kami ng paaralan nang lumuwas na kami kapwa sa Maynila para magpatuloy sa kolehiyo.Gayunman, nagkikita pa rin kami sa sem break, kung panahon ng Pasko at iba pang okasyon.

Kaya hindi nakapagtataka na nanligaw siya sa akin at noong nasa huling taon na ako ng nursing, naging magkasintahan kami.

Usapan namin, magpapakasal kami dalawang taon pagkaraang makatapos kami kapwa sa kolehiyo.

Pero nakadalawang taon na akong nagtatrabaho sa isang lokal na ospital, ang hinihintay kong marriage proposal ay hindi na dumating.

Naisipan kasi niyang magpatuloy ng pag-aaral ng medicine. Kaya sa siphayo, nag-apply ako ng trabaho sa US at ngayon nga, maganda naman ang kita ko.

Dumalang na ang komunikasyon namin ni Elmo. Ang lagi kasi niyang sinasabi, wala na siyang panahon sa pagsulat, kahit e-mail dahil sa hirap siya sa pag-aaral.

Hanggang nanawa na rin ako ng pakikipagkomunikasyon sa kanya. Parang nanabang na ako kay Elmo, lalo pa nga’t marami nang nanliligaw sa akin Pilipino man o Amerikano at nag-aalok ng kasal.

Ano po ba ang dapat kong gawin? Wala kaming pormal na break-up at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi ko na siya mahihintay.

Maraming salamat po at hintay ko ang payo ninyo.

Blue Star

Dear Blue Star,

Salamat sa liham mo at sa maganda mong pagkilala sa pitak na ito. Sana, makatulong ang ipapayo ko sa kasalukuyan mong problema.

Karaniwang ang long engagement ay nauuwi sa paglalaho ng pagmamahal sa isa’t isa ng magkasintahan.

Para sa boyfriend mo,naniniwala ang pitak na ito na hindi pa siya handa sa pagpapamilya. Mas mataas pa ang hinahangad niya sa buhay at ito ay maging isang doktor.

Hindi ito makatarungan sa isang babae, tulad mo dahil parang naghihintay ka sa wala. Nanghuhula ka kung kayo pa ngang dalawa.

Nasa malayo ka, narito naman siya sa Pinas. Maano man lang bang sumulat siya sa iyo para naman hindi ka napapanghal sa paghihintay.

Mabuting sa iyo na magmula ang alok na mag-break up na lang kayo dahil pinabayaan ka na niya.

Habang napapanghal ka sa paghihintay sa kanya nang wala namang malinaw na assurance kung may hinihintay ka nga, maraming magagandang pagkakataong mawawala sa iyo.

Dr. Love

AMERIKANO

ANO

BLUE STAR

DEAR BLUE STAR

DR. LOVE

DUMALANG

ELMO

KAYA

SI ELMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with