^

Dr. Love

Interesado sa ka-facebook

-

Dear Dr. Love,

Magandang araw ho. Itago n’yo lang ako sa pangalan na Michelle. Isang high school student at umiibig sa isang lalaking malayo sa akin.

Sa facebook lang kami nagkakilala, sa text. Kasi kaibigan din niya ang lalaking nagkagusto sa akin.

Una niyang sinabi sa aking gusto niya ako, dahil nga raw mabait ako, maganda at negosyante na. Hindi kong maitanggi na gusto ko rin siya. Pero hindi ho ako sure dito, ang layo kasi niya. Pero gagawin daw niya lahat para magkita kami.

Ang gusto ko lang malaman kung totoo kaya ang mga sinasabi niya sa akin? Kasi ako, seryoso na ako. Natatakot ako. Humihingi lang ako ng payo.

Gumagalang,

Michelle

Dear Michelle,

Unang-una masyado pang maaga para mag­seryoso ka sa iyong love life. Natitiyak kong hindi pa matatawag na love ang nararamdaman mo para sa isang lalaki na ni-hindi mo pa nakikita ng personal. Maaaring napagkakamalian mo lang ang infatuation na isang seryosong pagkakagusto mo kanya.

Huwag kang masyado magpakatiwala sa kan­yang magagandang salita. Hindi ko naman nila­lahat, pero kadalasan ang pakikipagrelasyon na nabuo sa pamamagitan ng text o ang “in” ngayon na facebook ay nauuwi sa disgrasya kaysa grasya.

Mas mainam pa rin na maging personal ang pagkikilanlan ng dalawang nagliligawan o nagkakagustuhan sa isa’t isa. Dahil mas maki­kita mo ang kanyang pagkatao sa personal.

Hindi ko masasagot sa’yo kung nagsasabi ba ng totoo ang lalaking nakilala mo, dahil hindi ko naman siya kilala. At ganoon ka rin, kaya kung pinaplano niyang makipagkita sa iyo sa lahat ng paraang magagawa niya, bakit hindi mo sabihin sa kanya na bumisita sa inyong bahay.

Natitiyak ko na kung malinis ang kanyang intensiyon sa iyo, ay hindi siya magdadalawang-isip na puntahan ka.

Pero para sa akin, dapat ang iyong pag-aaral muna ang bigyan mo ng atensiyon... makaka­paghintay ang love life.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)

vuukle comment

AKO

DEAR MICHELLE

DR. LOVE

KASI

LIBANGAN SECTION

LOVE

MICHELLE

NATITIYAK

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with