^

Dr. Love

Pumasok sa "magulo"

-

Dr. Love,

Hiniwalayan ko ang ama ng 7 years old kong anak, ‘yun din ang taon ng aming pinagsamahan. Kahit alam kong pamilyado na siya nag-stay pa rin ako sa kanya dahil sa sobrang love. Open at tanggap na kami ngayon ng family niya especially ang baby namin.

Pero ang samahan namin ay dumating sa punto na nawawalan na kami ng respeto sa isa’t isa. Nasaktan niya ako. Nalaman ko rin na hindi pa rin siya kontento sa amin ng anak niya, dahil kung sino-sino pa ang nilalandi niya.

Dr. Love nakita ng anak ko ang ginawa sa akin ng papa niya at marahil ito ang dahilan kung kaya nagtanim siya ng galit sa kanyang ama. Kasalanan ko po ba ‘yun?

Gusto ko pong itanong kung tama ba ang ginawa kong paglayo ng aking anak sa kanyang ama at pag-alis ng karapatan na mamuhay ng marangya? Mayaman po kasi ang ama ng anak ko.

Ang nanay ko po ang nag-aalaga ngayon sa aking anak, kailangan ko pong gawin ito para patuloy na maitaguyod ang lahat ng panga­ngailangan niya, lalo na’t nag-aaral na siya ngayon.

Nais ko rin po, ibahagi ang leksiyon ng aking buhay sa mga readers mo Dr. Love, na huwag pumasok sa buhay na kom­plikado. Kung alam na nilang may asawa na ang nanliligaw, kusa na silang lumayo dahil walang mabuting idudulot ang ga­noong setup sa kanila. Tama ang magulang ko, kung nagawa na niya sa asawa niya, what more sa akin.

 Jane

Dear Jane,

Kahit sa ilalim ng batas, ang ina lagi ang may karapatan sa anak lalu pa’t hindi kasal ang mga magulang. Sa paglalarawan mo sa kina­ sama mong lalaki, nakikita ko’ng wala siyang karapatang maging ama ng inyong anak.

Ama lamang siya sa dugo pero sa ina­asal niya ay masamang impluwensya lang ang maidudulot niya sa bata.

Tama ka. Ang puso ay madalas mapan­linlang. Ibinubuyu ang tao na magkasala na sa dakong huli’y mabigat na problema ang dala.

Dr. Love

AMA

ANAK

DEAR JANE

DR. LOVE

HINIWALAYAN

IBINUBUYU

KAHIT

KASALANAN

NIYA

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with