Kambal na pasakit

Dear Dr. Love,

My warmest regards and greetings to you!

Ako si Albert Gica, 26 years old, tubong Cebu City at kasalukuyang bilanggo. Dala ng matinding galit sa walang saysay na pagkamatay ng nobya ko, pinagpapalo ko sa ulo ang salarin na siya nitong ikinasawi.

Naglalakad kami noon nang may pumutok kasunod ang pagbulagta ni Lorna. Isang bahay sa aming dinaraan ang pinanggalingan ng putok. Gusto ko puntahan pero hindi ko kayang iwanan si Lorna na noon ay agaw-buhay na. Itinakbo namin siya sa ospital pero huli na ang lahat.

Nahuli ang salarin pero nakalaya rin matapos magpaareglo ang mga magulang ni Lorna. Hindi na raw maibabalik ang buhay ng kanilang anak kaya tinanggap nila ang pera.

Tiyempo naman noong araw na ‘yun naka­salubong ko ang salarin sa daan kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na maiganti si Lorna. Dahil sa pangyayari, namatay din ang tatay ko, inatake sa puso.

Daig ko pa ang isinumpa. Galit sa akin ang aking pamilya at nangungulila ako sa piitan. Pagpayuhan po ninyo ako, Dr. Love.

Gumagalang,

Albert Gica

Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Albert,

Laging nasa huli ang pagsisisi. Kung hindi mo sana inilagay ang batas sa iyong mga kamay, hindi ka makukulong at hindi masasawi ang iyong ama. Ang nangyari sa nobya mo ay maaaring naka­tadhana na sa kanya. Hindi mo rin naman madi­diktahan ang mga magulang niya sa pas­yang pakikipag-areglo. Gayunman, nana­natiling may pag-asa. Ihingi mo ng tawad sa Panginoon ang iyong nagawa at idalangin ang kapayapaan ng kaluluwa ng iyong nobya at ama.

Dr. Love

Show comments