Inlove kay prof

Dear Dr. Love

Tawagin n’yo na lang po akong Ms. Virgo. Isa po akong estudyante ng isang pribadong eskuwelahan. Nalilito po ako ngayon kasi nagkagusto ako sa isa sa mga professor ko.

Hindi ko po sinasadyang magkagusto sa kanya bigla ko nalang ‘yun naramdaman. Dahil siguro lagi niya akong inaasar.

Isang araw humingi ako ng advice sa kanya na pa’no kung nagkagusto ka sa isang tao, sasabihin mo ba at ipaparamdam o itatago at ililihim na lang kasi baka kapag nalaman niya baka lumayo lang siya.

Ang sagot po niya sa akin, it’s better daw na sabihin kasi malay ko daw may gusto din siya. Natuwa ako sa sagot niyang iyon. Alam ko po na mali ang magkagusto sa isang gaya niya na mas mataas ang level kesa sa akin.

Nahihirapan na po ako sa nararamdaman ko, ano po ba ang dapat kong gawin. Lalo na at araw-araw ko siyang nakikita.

Sana po mabigyan n’yo ng pansin ang aking email. Maramimg salamat po.

Ms. Virgo

Dear Ms. Virgo,

Mag-iingat ka iha. Iyan bang propesor mo ay binata? Marami kang bagay na dapat usisain dahil ang pagpasok sa relasyon ay isang sensitibong usapin.

Hindi ko naman nilalahat pero marami riyan ang nagsasamantala sa kanilang posisyon para sa pansariling layunin. Baka mabiktima ka ng isang oportunista. Mabuti sana kung pananagutan ka.

Ang nararamdaman mo’y pakasuriin mo rin at baka hindi naman talaga love kundi physical attraction lang o infatuation lamang.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa psnliba­ngan@philstar.net.ph.)

Show comments