Muntik mag-suicide

Dr. Love

Sa bumubuo ng Pilipino Star Ngayon, magandang araw. Mula noon hanggang ngayon panatiko pa rin ako ng peryodiko ninyo. Pakitago na lang ako sa pangalang “Recalled”. Minsan kong pinagtangkaang kitlin ang sariling buhay dahil sa problema sa aking pag-aaral. Para hindi na ako magdusa.

Noong panahong ito nagkakagusto rin ako sa isang kasamahan sa ROTC. Nagtapat ako sa kanya bago lumayo. Nang sabihin niyang “mag-ingat” ka, nagbago ang lahat sa aking pananaw. Ayaw ko nang magpakamatay.

Hanggang dito na lang at sana ay magsilbing aral ito na hindi kamatayan ang sagot sa lahat ng problema.

Recalled

 

Dear Recalled,

Tama ka. Kung minsan nakakaisip tayo ng hindi mabuti dahil sa isang problema. Pero dahil natutuklasan natin na may ibang kagandahan ang buhay, naisasantabi natin ang balak na hindi tama.

Dalangin ko na lumigaya ka lagi at sa harap ng mabibigat na problema ay Diyos ang lagi mong sandalan at tawagan.

Dr. Love

Show comments