Nagmahal ng iba

Dear Dr. Love

Hi! Ako po si Alan. Sumulat ako dahil gusto ko po ikuwento sa inyo ang aking past love life.

Meron na po akong asawa at may isang anak pero nagkasala ako nang magmahal ng iba. Tawagin na lang po natin siyang Ivone, isang half Filipino, half Japanese.

Regular na pasahero ko po siya sa aking tricycle. Tindera po siya ng kaibigan ko. Nagsimula ang mas malalim naming ugnayan nang mag­layas siya sa kanyang tiyahin at tumakbo sa akin.

Naawa po ako sa kanya, kaya kinupkop ko siya hanggang sa makahanap siya ng trabaho. Laking pasalamat ko po nang matanggap na siya sa kanyang inaplayan dahil nakakatulong na rin po siya sa akin.

Habang tumatagal Dr. Love, nararamdaman ko po na nahuhulog ang loob ko sa kanya. Kaya bago pa man mahuli ang lahat ay nagtapat ako sa kanya, at tinanggap naman po niya hanggang sa nagkaroon kami ng body contact.

Noong panahon ito ay madalas naman kaming nag-aaway ng aking asawa. Si Ivone ang nagsilbing hingahan ko ng sama ng loob. Bagaman nasa kanya po ang atensiyon ko, hindi naman ako nagpabaya sa pamilya ko.

Pero isang pangyayari ang nagpalito sa akin, buntis si Ivone. Nalaman ito ng aking asawa kaya nagpasiya akong makipaghiwalay. Gus­tuhin ko man na tulungan si Ivone sa kanyang pagbubuntis ay hindi ko magawa dahil may asawa ako.

Alam ko na malaking kasalanan ang aking nagawa pero tao lang ako na nagkakasala. Pero wala akong pinagsisisihan sa aking nagawa. Sana kung nasaan ka man ngayon Ivone ay pata­warin mo ako sa aking nagawang kasalanan.

Alam kong dinadala mo ngayon ang aking magiging anak sa iyong sinapupunan. Sana ay alagaan mo siya ng mabuti at pakamahalin mo siya gaya ng pagmamahal na ibinigay ko sayo, at lagi mo ring iisipin na mahal na mahal kita Ivone, umaasa ako na someday ay magkikita tayong muli.

Hanggang dito na lang po ang aking sulat.

More power po sa inyo at maraming salamat po sa pagbigay ng time para basahin ang aking sulat.

Lubos na gumagalang,

Alan M

Dear Alan M,

Complicated ang problema mo. Nawalan ka na ng asawa’t anak, nawalan ka pa ng isang Ivone pati na ang dinadala niyang anak mo sa kanyang sinapupunan.

Ganyan ang buhay. Ang lahat ng dinaranas natin ay bunga ng desisyon. Kapag nagdesisyon ka nang tama, aani ka ng mabuting kapalaran. Kapag mali ang desisyon, pagsisisi ang ka­sunod. Oo, kahit sabihin mong wala kang pinag­sisisihan ngayon, mahirap paniwalaan iyan.

Sa pagitan ng asawa mong tunay at ni Ivone, dapat prayoridad ang asawa kaya sana, kayong dalawa ang magkabalikan.

Dalangin ko na manariwa ang iyong pag-ibig sa iyong asawa at kayong dalawa ang magba­likan para makapagsimulang muli.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa psnlibangan@ philstar.net.ph.)

Show comments