^

Dr. Love

Hiwalay

-

Dr. Love,

Magandang araw sa iyo. Sana nasa mabuti kang kalagayan. Sana payuhan mo ako sa aking problema. 

Two months na kaming hiwalay ng husband ko. Dahil nalaman ko na may babae siya. Naa­awa ako sa 3 anak ko. Ano ang gagawin ko?

Libra

Dear Libra,

Salamat sa napakahaba mong sulat. Hindi mo sinabi kung sino ang humiwalay kanino. Ikaw ba o siya ang naglayas para sumama sa kan­yang babae?

Kung nambababae ang isang lalaki, laging may dahilan. Tiningnan mo na ba ang iyong sarili at baka nasa iyo ang depekto kaya siya nam­babae? Baka naman nagkukulang ka sa kanya sa ano mang bagay kaya naghahanap siya ng pag­mamahal ng iba?

Kung may nadarama ka pang pag-ibig sa kanya sa kabila ng lahat, ang dapat na unang gawin mo ay manalangin nang taimtim na sana’y muling mabuo ang inyong pamilya.

Kung ayaw mo na sa kanya, harapin mo’ng mag-isa ang pagpapalaki sa inyong tatlong anak.

Pasensya ka na at para akong nangangapa ng ipapayo sa iyo dahil kulang sa detalye ang sulat mong pagkahabahaba.

Dr. Love

(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Liba­ngan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa psnlibangan@ philstar.net.ph.)

ANO

DAHIL

DEAR LIBRA

DR. LOVE

IKAW

LIBA

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO S

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with