Laging broken hearted
Dear Dr. Love,
Tawagin mo akong Lia, mahigit 30 years old, single, hindi kailanman ikinasal at residente ng Manila. Gustong kong ibahagi ang tila walang hangganang problema ko sa pag-ibig. Nagkaroon ako ng relationships noon na pawang seryoso dahil hindi ako nagfi-flirt.
Seryoso ako sa lahat nang relasyon ko. Ang sabi nila sa edad ko ay handa na akong lumagay sa tahimik, pero unfortunately lagi akong nauuwi sa pagiging broken hearted. Karamihan sa mga nakarelasyon ko noon ay mga kaedad ko habang ang iba naman ay mas matanda sa akin.
Hanggang sa makilala ko ang isang guy na ilan taon ang pagkabata sa akin. Dahil sa pagkakataong ‘yon ay sariwa pa ang sakit na dulot ng aking pagiging broken hearted, sinabi ko sa aking sarili na bakit hindi ko subukan ang makipagrelasyon sa mas bata sa akin, na hindi ko pa nararanasan. Niligawan niya ako ng ilang buwan at nagkaroon kami ng relasyon.
Noong una, sweet kami, lagi niya akong tinatawagan o tini-text. Sinusundo din niya ako lagi sa trabaho.
Pero isang araw, nag-text siya sa akin at sinasabing gusto na niyang tapusin ang aming relasyon. Natigilan ako, dahil akala ko ay walang anumang problema ang aming relasyon.
Ang sabi niya, may mga plano pa siya para sa kanyang pamilya - mga magulang at mga kapatid. At talaga namang nasaktan ako, pero inisip ko na lang na sadyang hindi maganda ang makipagrelasyon sa mas bata sa iyo. I let him go and now I’m healing again a brokenheart.
Nalilito ako ngayon, Dr. Love. I wish I can have a lasting relationship in the future with a guy ready to settle down... do you think I can still find that type of guy? Please advise me...thank you and more power. I want to meet new friends, can you please publish my email add? Thank you again and God bless.
Brokenhearted,
Lia
Dear Lia,
Hindi mo naikuwento kung ano ang nangyari sa mga nakaraang relasyon mo. Bakit bigla na lang kayong nagkaka-breakup ng mga naging boyfriends mo?
I would presume hindi mo naman ibinigay ang iyong sarili sa kanila ng buong buo dahil ang sabi mo hindi ka isang flirt.
Dahil dito’y nahihirapan akong magbigay ng payo sa iyo. Kung ang dahilan ng breakup ay dahil madali mong isinusuko ang pagkababae mo, that should serve you a lesson.
Pero kung hindi naman, huwag mong ituring ang sarili mo ang nawalan dahil sila ang nawalan. Bihira na kasi ngayon ang mga babaeng pinag-iingatan ang dangal.
Buweno, I pray na matatagpuan mo rin ang tamang lalaking magmamahal sa iyo at mamahalin mo.
Dr. Love
(Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o PSN Libangan 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area, Manila. Maaari rin mag-email sa [email protected].)
- Latest
- Trending