Patatawarin ba o hindi?

Dear Dr. Love,

Gustung-gusto ko ang pitak mo, Dr. Love. Ito lagi ang inuuna kong basahin sa Pilipino Star NGAYON. Hihingi rin ako ng payo.

Tawagin mo na lang akong Elena, 39 anyos. Iniwan ako ng asawa ko dahil sa babae. May tatlong anak kami. Halos dalawang taon siyang nawalay sa amin.

Ngayon, nakikipagbalikan siya. Humihingi siya ng tawad. Patatawarin ko na sana siya dahil hindi madali ang solong pagtataguyod ng aming mga anak. Pero tutol ang aking mga magulang.

Pagpayuhan po ninyo ako, Dr. Love sa dapat kong gawin.

Elena

Dear Elena,

Ikaw lamang ang makapagdedesisyon kung patata­warin o hindi na ang iyong naglokong asawa. Dahil ikaw lamang ang nakababatid kung ano ang pinakamabuti para sa iyo at sa inyong pamilya.

After all, asawa mo pa rin siya. Kung nararamdaman mo ang sinsiridad sa paghingi niya ng tawad, wala akong nakikitang dahilan para ipagkait mo sa kanya ang tsan­sang mabuo ang inyong pamilya.

Dr. Love

Show comments