Dear Dr. Love,
Ang aking mainit na pagbati sa iyo at sa lahat nang suki ng Dr. Love. Pakiusap ko lang ay itago mo sa alyas na Aliyah, may asawa at isang anak.
Problema ko ang napapansing kawalan ng init ng aking asawa tuwing kami ay nagtatalik. Hirap na hirap na rin siyang makaraos. May pagkakataon na ikinagagalit niya ito kung kaya ang pinakamasayang sandali namin sa isa’t isa ay nauuwi sa pag-aaway.
Hindi naman po ako mapaghanap dahil kontento na ako na masaya ang aming pamilya. Pero batid ko pong big deal ito sa aking asawa. Nais ko pong malaman kung ano ang posibleng problema niya at kung may paraan ba para maremedyuhan ito?
Aliyah
Dear Aliyah,
Kabilang sa pangkaraniwang dahilan kung kaya nanamlay ang isang lalaki sa pakikipagtalik ay ang pagkakaroon ng sakit na diabetes. Naaapektuhan kasi ng sakit na ito ang sirkulasyon ng dugo kaya posibleng manlupaypay ang lalaki sa panahon ng pagtatalik.
Ang pinakamabuti mong magagawa ay ikonsulta sa doctor ang nararamdamang sintomas ng iyong asawa para malaman mo ang estado nito at magawa agad ang kaukulang hakbang para ito ay maagapan. At hindi tuluyang makapinsala sa kanyang mga vital organs.
Dr. Love