Duda sa magiging anak

Dear Dr. Love,

May God endows you with more blessings­ upon receipt of my letter, Dr. Love.

 Ako’y isang binatang 32 anyos at balak na naming magpakasal ng aking kasin­tahan. Buntis kasi siya. Tawagin mo na lang akong Rommey.

Noong una’y kumbinsido akong dapat ko siyang pakasalan. Ngunit may nabalitaan ako na hindi lang ako ang kasintahan niya. Nabalitaan ko rin na “easy to get siya” at kahit kaninong lalaki ay pumapatol.

Natatakot ako na baka hindi sa akin ang ipinagbubuntis niya.

Ibig kong i-urong ang kasal pero nag-aalinlangan din ako dahil emosyonal siyang tao at baka magpakamatay siya.

Ano ang dapat kong gawin?

Rommey

Dear Rommey,

Nag-imbestiga ka na ba para patunayan ang mga paratang sa iyong kasintahan? Kung hindi, you are too unfair. Basta na lang iiwanan mo ang kasintahan mo base lamang sa mga sabi-sabi.

Ang payo ko, don’t easily jump into conclusion. Kung may mga nagpaparatang sa iyong kasintahan na hindi siya mabuting babae, huwag kang basta maniwala. Magsiyasat ka muna.

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline. ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. - Dr. Love

Show comments