Bata ang boyfriend
Dear Dr. Love,
Hariwana’y nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap mo ng liham ko.
Umaasa ako na maitatampok mo ang aking sulat at mabibigyan mo ako ng magandang payo.
Tawagin mo na lang akong Whilma, 43 anyos at isang biyuda. Mayroon akong boyfriend na 23 anyos.
Pinagsasabihan ako ng aking mga kaanak na alangan daw ang edad namin. Sabi naman ng mga kaibigan ko, walang masama dahil mukha naman akong bata at maganda.
Totoo ang sinasabi nila na maganda ako dahil hindi ako nagkaanak sa aking namatay na asawa. At naniniwala naman akong mahal ako ng aking nobyo at balak na naming magpakasal.
Ano sa palagay mo Dr. Love?
Whilma
Dear Whilma,
Legally walang hadlang sa inyong relasyon. May kasabihan din na age doesn’t matter pagdating sa pag-ibig. Pero may ilang bagay na dapat mong alalahanin.
Maganda ka ngayon at 43. Pero paano after ten years? Bagay pa kaya kayo? Hindi kaya magmukhang nanay ka ng iyong nobyo?
Kung magkagayon, handa ka bang pagtinginan ng tao at mapagkamalan kayong “mag-ina”?
Kung okay lang sa iyo dapat mo ring isipin ang posibilidad na humanap ng kanyang ka-edad ang iyong boyfriend. Alam mo, ang lalaki ay lalung lumalakas ang appeal habang tumatanda.
Pero kakaiba ang babae. Habang tumatanda, nagmumukhang trying hard kapag nagpapaganda upang humabol sa edad ng ka-partner. Sana huwag dumating ang araw na ayaw ka na niyang kasabay dahil sa agwat ng edad ninyo. Reminder lang ha.
Dr. Love
Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo. edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. - Dr. Love
- Latest
- Trending