Long distance love affair

Dear Dr. Love,

My warm and pleasant greetings to you Dr. Love. If it is possible, please conceal my true identity. Itago mo na lang ako sa pangalang Cher, 19 anyos at isang college student.

At present ay nag-aaral ako sa isang pamantasan sa Cebu City taking­ up computer science.

Mayroon akong boyfriend. Taga-Maynila siya. It was November of last year when I met him nang magbakasyon ako sa mga relatives ko sa Manila. Nagkaroon kami ng relasyon at nagkaiyakan pa nang bumalik ako sa Cebu.

Mula noon ay hindi na kami nagkita. Ang masakit, ni minsan ay hindi ako tineks man lang o in-email. Hindi niya sinasagot ang mga text ko at email message ko. Wala kaming komunikasyon for the last three months.

Nagdududa ako kung mahal niya talaga ako. At least kung mahal niya ako ay dapat siyang nakikipag-touch base sa akin. Dapat ko na ba siyang limutin?

Cher

Dear Cher,

Mahirap talaga ang long distance love affair.

Kung tatlong buwan ang lumipas at wala ni-ha ni-ho mula sa kanya, malamang ay hindi ka niya true love. Pardon me kung nasaktan ka pero may mga katotohanang dapat nating tanggapin.

Dapat mo ba siyang limutin kung magkaganoon? Oo naman. Ang lagay ba naman ay maghihintay ka habang buhay sa wala. Move on Cher. Move on.

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Wor­kers na may problema at nanga­ngailangan ng counseling, umug­nay sa http://www.ofwonline. ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. - Dr. Love

Show comments