Cry Baby

Dear Dr. Love,

Kumusta po kayo Dr. Love? Ikaw ang aking favorite love adviser at sumulat ako dahil sa isang problema sa puso.

Please lang, ikubli mo na lang ako sa alias na Cry Baby, 26-anyos at isa pa ring binata.

Magtataka ka siguro sa alias ko. Sadya yatang itinakda ng tadhana na ako’y laging lumuluha. Ang dahilan, lahat ng babaeng minahal ko ay nakipag-break sa akin.

Mahal na mahal ko sila. Hindi ko mauna­waan kung bakit matapos lamang ang ilang buwan ay inaayawan na nila ako.

Ano kaya ang aking pagkukulang? Kung tatanungin ko sila ay wala naman silang masabing dahilan. May itsura naman ako.

Umaasa ako na matutulungan mo ako sa aking problema.

Cry Baby

Dear Cry Baby,

Hindi kita personal na kakilala pero posibleng may personality disorder ka. ‘Yun bang ugali na sa umpisa’y hindi nakikita pero katagalan ay lumalabas at kinayayamutan ka.

Kung ano ‘yon ay hindi ko masasabi dahil hindi kita kilala nang personal.

Kung mayroon kang mga close friends, sila ang tanungin mo. Ano ba ang ugali mong kina­yayamutan? Pala­gay ko ay hindi ipagkakait ng iyong mga malapit na kaibigan ang kanilang tulong sa iyo para ma-correct mo ang dapat ayusin sa iyong ugali.

Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline. ateneo. edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets­ OFWs and their families in different parts of the world.

Show comments