^

Dr. Love

Ipinagkasundo

-

Dear Dr. Love,

Una sa lahat ay binabati muna kita sa napakaganda mong kolum na nakatutulong sa maraming may problema sa puso.

Sana’y umabot sa iyo ang aking liham na nasa mabuting kalagayan ka, Dr. Love.   Ta­wa­gin mo na lang akong Virgie na naka­tak­dang ikasal sa Hunyo sa lalaking hindi ko gusto. May kasintahan ako at niyayaya akong magtanan para maiwasan ko ang pagpa­pa­kasal sa lalaking tatay ko ang may gusto.

Hindi kami kailanman nag-ibigan ng ipinag­kasundong lalaki sa akin. Kahit siya ay napi­pilitan lamang dahil kapwa istrikto ang aming mga magulang.

 Ipinagkasundo lang kami ng aming mga magulang sa isa’t isa. Ito ‘yung tinatawag sa Ingles na betrothal. Matalik daw na magka­ibigan ang tatay ko at tatay ng mapa­panga­sawa ko. Ano ang dapat naming gawin ng boyfriend ko?

Virgie

Dear Virgie,

Mahirap talagang turuan ang puso lalo na sa kung sino ang dapat mahalin. Kung mapilit ang mga magulang ninyo at hindi makuha sa pakiusap, may laya kayong mag-boyfriend na gawin ang sa tingin ninyo’y nararapat. Iyan ay kung hindi kayo menor de edad.

Bigyan pa ninyo ng isang pagkakataon para makumbinsi ang inyong mga magu­lang. Tutal, pareho kayo ng lalaking ikakasal sa iyo na walang gusto sa isa’t isa. Kung hindi makuha sa pakiusap, sige - magtanan na kayo ng minamahal mong boyfriend.

 Dr. Love

Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline. ateneo. edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.

ANO

BIGYAN

DEAR VIRGIE

DR. LOVE

HUNYO

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

SHY

VIRGIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with