Dear Dr. Love,
Hi and hello.Tawagin mo na lang akong Wally, 31-anyos. Ang problema ko ay ang aking misis.
Noong nililigawan ko siya, na-attract ako hindi lang sa kanyang kagandahan kundi sa kalinisan ng kanyang katawan. That was ten years ago nang kami’y pareho pang nag-aaral.
Ngayon ay dalawa na ang anak namin pero malaki na ang ipinagbago ng anyo niya. Bukod sa tumaba ay nagkaroon siya ng masamang amo’y sa bibig at katawan.
Plain housewife na lang siya at hindi na nag-oopisina. Tuwing uuwi ako ay tinatabangan ako na yakapin siya.
Ano ang dapat kong gawin? Masyado siyang sensitive kasi at natatakot akong baka magalit siya at layasan ako kapag sinabi ko sa kanya ang depekto niya.
Wally
Dear Wally,
Palagay ko masyado siyang uliran sa kanyang tungkulin sa housekeeping at pag-aalaga sa inyong dalawang anak. Karaniwang problema iyan ng mga misis. Pero masuwerte ka pa rin sa kanya dahil marunong siya sa mga gawaing pamba hay.
Kung makakayanan ng iyong suweldo, ikuha mo siya ng katulong. Kung hindi naman, walang masama kung sabihin mo sa kanya ang totoo sa diplomatikong paraan.Yayain mo siyang lumabas at mag-ayos ng katawan. Tapos, sabihin mo sa kanya na “o, napakaganda mo pa rin dahil nakaayos ka. Sana lagi kang ganyan.” Sa ganyang diskarte, I’m sure hindi siya magtatampo.
Dr. Love
(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline. ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world. –Dr. Love)