^

Dr. Love

May leksyon sa bawat kabiguan

-

Dear Dr. Love,

A very warm and pleasant greetings to you, my “number one” love adviser, Dr. Love. Let me just be direct to the point. Tawagin mo na lang akong Whilma, 22-anyos at single pa rin.

Nang ako ay bata pa, madalas akong pangaralan ng parents ko na mag-aral mabuti at huwag agad mag-aasawa. Iminulat din sa akin ang kahalagahang pa­ngalagaan ang pagkababae ng isang dalaga at ang kasal ay sagrado at hindi dapat gawin ng magkasintahan ang mga bagay na para lamang sa mga mag-asawa.

For the longest time, sumunod ako sa mga pangaral na ito. Pero recently, nagkaroon ako ng kasintahan na mahal na mahal ko. Actually, he is the third na naging boyfriend ko pero sa kanya ako naging seryoso. Naibigay ko sa kanya ang pagkababae ko.

Ngayo’y nag-aalala ako. Nagsisisi ako sa aking ginawa dahil siputin at dili na ako ng aking kasintahan. Sa aking pag-iisa ay naiiyak ako. Mabigat ang sumbat sa aking konsensiya at parang hindi ko ma-take. Ano ang gagawin ko?

Whilma

Dear Whilma,

May kasabihang “what is done can no longer be undone.” Lahat ng tao ay na­darapa. Pero hindi dapat manatili sa pagkakadapa ang tao kundi bumangon at learn a lesson from his or her failures.

Kung tuluyan kang iwanan ng kasin­tahan mo, natural na masaktan ka pero hindi dapat matapos ang pag-ikot ng mundo para sa iyo. Rise up and keep on living, but this time, be wiser.

Ngayon ay natanto mo ang kahala­gahan ng pangaral ng iyong mga parents.

Dr. Love

(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www. ofwonline. ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)

AKO

ANO

DEAR WHILMA

DR. LOVE

IMINULAT

LAHAT

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

PERO

WHILMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with