^

Dr. Love

Ang kaibigan ko sa panulat

-

Dear Dr. Love,

Isa po ako sa maraming tagasu­baybay ng malaganap ninyong column, ang Dr. Love.

Ang akala ko noon, isa lang akong tahimik na tagahanga na nagiging mambabasa lang ng mga kuwento o karanasan sa buhay ng marami ninyong letter senders.

Hindi pala. Minabuti kong lumiham sa inyo para maibahagi ko naman ang karanasan ko sa buhay at pag-ibig.

Tawagin mo na lang po akong Rod. Isa akong bilanggo dahil kaila­ngang pagbayaran ko ang nagawa kong pag­ kakasala sa lipunan. Aminado akong nagkasala ako at nilabag ko ang utos ng Diyos at umiiral na batas.

Kaya naman po, taos-puso akong nagsisisi sa kasalanang ito at nanga­ngakong hindi na padadala sa kabig­laanan at init ng ulo. Alam kong dahil sa karanasan ko dito sa loob, hindi ko na nanaising maulit pa ang pang­yayaring yaon na nagbunsod sa aking pagkakakulong.

Ang karanasang ilalahad ko ay may kinalaman sa aking kaibigan sa panulat. Matagal ko ring naging kasulatan si Liza at alam niya ang lahat tungkol sa aking pagkatao.

Hindi ko na nakimkim ang pagta­tanging ito at ipinagtapat ko sa kanya ang niloloob ko bagaman sa liham lang kami nagkakausap at sa larawan ko lang siya nakikita.

Hindi naman nagtagal at sinagot niya ako. Minsan, tumawag ako sa kanya pero iba ang nakasagot. Wala na raw si Liza sa trabaho niya sa abroad at umuwi na sa Pilipinas.

Tuwang-tuwa ako noon dahil ang pangako niya sa akin, dadalawin niya ako sa piitan sa sandaling makauwi na siya sa bansa.

Hintay ako nang hintay sa kanya. Wala naman siyang sulat sa akin at hindi ko alam kung saan siya mata­tawagan dito sa Pinas.

Kalaunan, natanggap ko na rin na nagbago na ng isip si Liza. Kinali­mutan na niya ako.

Masama ang loob ko dahil pinaasa niya ako. Pero wala akong maga­gawa. Talagang ang isang bilanggong tulad ko ay hindi makakaasa na may­roong ka­ibigan o nobya na tototo­hanin ang pangako.

Kung mababasa ito ni Liza, sana, huwag na siyang mabagabag ang loob. Hindi naman ako galit sa kanya. Tanggap kong ang pakikipagkaibigan niya sa akin ay pampalubag-loob lang. Panandalian lang.

Magkagayunman, hindi pa rin nawa­wala ang tiwala ko sa tao. Nais ko pa ring magkaroong muli ng kaibi­gan sa panulat na totoong uunawa sa isang tulad ko.

Sa pamamagitan po ng column na ito, sana may sumulat muli sa akin para ang komunikasyon ko sa labas ng piitan ay magsilbing inspirasyon sa akin para ipagpatuloy ang pagtitiwala sa tao at kabutihang loob ng lipunan.

Maraming salamat po at more power to you.

Sincerely,

Rod Sevilla

Dorm 225, Camp Sampaguita

Muntinlupa City 1776

Dear Rod,

Maganda ang pananaw mo sa buhay. Kung ang pangako man ng isang kaibigan ay hindi natupad, ma­aaring may dahilan ito. Maaaring na­ka­tagpo na siya ng iba, alam mo na.

Nais mo pang makipagkaibigan sa panulat? Tama ka. Iba si Liza at iba naman si Juana.

Nakalimutan ka man ni Liza, may maganda rin namang bunga ang pagsusulatan ninyo.

Nagkaroon ka ng inspirasyon sa buhay. Natutuhan mo ang ganap na pagbabago tulad ng desisyon mong magpatuloy ng pag-aaral at pagsisilbi sa Panginoon.

Mayroon nga tayong kasabihan na mas mabuting natuto kang umibig dahil naranasan mo ang maging masaya sa buhay para alam mo ang isang mukha ng buhay at ito ay ang kalungkutan.

Good luck sa iyo at sana, ipag­patuloy mo ang pagsisikap na ma­pagbuti ang iyong buhay para ma­harap mo ang bukas.

Dr. Love

AKO

BUHAY

CAMP SAMPAGUITA

DEAR ROD

DR. LOVE

ISA

LANG

NIYA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with