^

Dr. Love

Pinatay ang karibal

-

Dear Dr. Love,

Bago po ang lahat, nais kong batiin kayo ng isang masaganang pangungumusta. Dalangin ko po na lagi kayong nasa mabuting kalagayan at pinapatnubayan ng ating Poong Maykapal.

Kabilang po ako sa napakarami ninyong mambabasa at itinuturing ko ang sarili ko na isang panatiko ninyong tagasubaybay dahil ang pitak ninyo ay puno ng magagandang aral.

Kapag nababasa ko po ang inyong payo sa tulad kong bilanggo, nasasalamin ko ang aking sarili sa mga pinatutungkulan ninyo ng mahalaga ninyong advice.

Ako nga po pala si Wally Lopez at nagsimula ang aking mga problema sa buhay nang maging kasintahan ko ang babaeng pinaglaanan ko ng lahat sa pagsisikap sa buhay.

Ang dahilan po, tutol sa akin ang kanyang mga magulang. Mayroon silang ibang napupusuang ipakasal sa kanilang anak.

Gayunman, sa kabila ng pag-ayaw sa akin ng mga magulang ni Tita, lihim kaming nagkikita. Malimit, ang lalaking karibal ko, si Nano ay agad namang nagsusumbong sa ina ni Tita.

Ang lihim naming pagtatagpo ni Tita ay nagkabunga. Nagdalantao siya. Ipinagtapat ito ni Tita sa akin at sa pagkakataong yaon, muli kaming nakita ni Nano.

Pinuntahan kami ng ama ni Tita sa tagpuan namin sa tabing-dagat at dito, walang tanung-tanong na pinagsusuntok nila ako.

Hindi ako lumaban pero pumagitna si Tita at tinangka niyang awatin ang mga lalaking inupahan ng kanyang ama para ako ay parusahan kasama na rito si Nano.

Sa pag-awat ni Rita, tinamaan siya ng malakas na suntok sa tiyan. Lugmok siya. Walang ulirat. Binuhat siya ng kanyang ama habang ako naman ay patuloy na pinagtutulungan ng tatlo.

Sa tindi ng awa sa nangyari kay Tita, hindi ko na napigil ang aking sarili at sinabuyan ko ng buhangin ang mga mata ni Nano sabay dampot ng isang malaking bato at iyon ang ilang ulit kong ipinukpok sa ulo ng aking karibal. Bagsak si Nano. Patay.

Dumating ang mga pulis at ako ay inaresto. Sinampahan ako ng kaso at napatunayang nagkasala.

Hindi na nila inintindi na nagtanggol lang ako sa sarili. Ilang taon na ako sa piitan. Nabalitaan ko rin na nakunan si Tita sa naganap na insidente.

Napakasakit ng pangyayaring ito. Lalo na’t sa ginawang demanda sa akin, si Tita pa ang ginawa nilang witness.

Baligtad ang pangyayari. Ano po kaya ang naghihintay sa aking kapalaran? Tinalikuran na ako ng aking nobya, kalaboso pa ang inabot ko.

Payuhan po ninyo ako. Sana ay magkaroon din ako ng mga kaibigan sa panulat.

Gumagalang,

Wally Lopez

Dear Wally,

Masakit nga ang inabot ng iyong pag-ibig. Pero marahil, nagawa ng iyong nobya na tumestigo laban sa iyo dahil takot siya sa kanyang mga magulang.

Maaaring bunga rin ito ng kanyang pagdadalantao at dahil mayroon kang kaso at nahatulan ka na nga, wala na siyang ibang mahihingan ng tulong kundi ang kanyang mga magulang.

Dangan kasi, wala pa kayong sapat na kahandaan para magpamilya kaya kayo nagkaroon ng ganyang problema.

Anyways, nangyari na ang insidenteng nagbigay-daan sa pagkakabilanggo mo. Sana, maging leksiyon ito sa iyo na huwag mong ilagay sa iyong mga kamay ang hustisya.

Sinaktan ka man ng mga sinasabi mong lalaking inupahan ng dapat ay naging biyenan mo at maging ng iyong naging karibal, tinakbuhan mo na sana ang eksena.

Hindi na bale sanang masabi na naduwag ka pero hindi ka naman nakulong.

Mahirap talagang kalabanin ang mga magulang ng kasintahan mo. Bukod sa kailangan mo silang irespeto, kailangan mo ring daanin sa diplomasya ang panliligaw para hindi ka mapintasan.

Pilitin mo nang kalimutan ang nobya mo. Pero hindi mo dapat kalimutan ang aral na napulot mo sa pangyayaring ito.

Dr. Love

AKO

DEAR WALLY

DR. LOVE

NANO

PERO

POONG MAYKAPAL

TITA

WALLY LOPEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with