Dear Dr. Love,
Mangyaring ikubli mo na lang ako sa pangalang Riza. I’m a 32 year-old housewife at ito ang problema ko.
Isang dating junior executive ang asawa ko sa isang malaking business firm. Pero nasangkot siya sa isang katiwalian at natanggal siya sa trabaho. Ito’y tungkol sa isang malaking transaksyon na kinapapalooban ng P10 milyong piso.
Naniniwala akong walang kasalanan ang mister ko dahil siya’y sumusunod lamang sa mas nakatataas sa kanya na naalis din sa trabaho.
Masyado niyang dinamdam ang pangyayari at ayaw na niyang pumasok sa iba. Isa pa, nabatikan na ang service record niya at ayaw naman niyang pumasok sa ibang uri ng trabaho.
Mula noon ay lagi na lang siyang nagkukulong sa silid at ayaw makipag-usap. I think he is beginning to go crazy dahil may mga pagkakataong naririnig ko siyang nagsasalita nang walang kausap. I presume my husband needs professional help.
Ano ang dapat kong gawin? Naguguluhan ako dahil kung dadalhin ko siya sa manggagamot ay maiiskandalo ang pamilya ko.
Riza
Dear Riza,
Ang asawa mo ay may sakit at kailangang gamutin. Hindi siya gagaling nang kusa by just pretending that he is well. Hindi puwedeng i-ignore ang problema.
As early as possible, dalhin mo siya sa psychiatrist na makatutulong sa kanya. Hindi kahiya-hiya ang ganyang karamdaman. Maraming tao ang nagkakaroon ng depression dahil sa problema. Hindi siya nag-iisa. Kaya kung mahal mo siya, umaksyon ka kaagad bago mahuli ang lahat.
Dr. Love
(Sa mga Overseas Filipino Workers na may problema at nangangailangan ng counseling, umugnay sa http://www.ofwonline.ateneo.edu. Ito ay bukas seven days a week. This website project specifically targets OFWs and their families in different parts of the world.)